MANILA, Philippines – Tatlong malaking POGO na nagooperate ngayon sa Pilipinas na may halos sampung libong empleyado ang wala man lang ibinigay na job opportunity sa kahit isang Pilipino.
READ MORE: PH Passports, Binebenta Sa Mga Chinese
Ito ay ayon mismo sa data na binigay ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR). Ayon sa nasabing report, ang mga POGO na ito ay:
- Big Emperor Technology Corp. – 3,483 employees
- Jindingyuan Business Support, Inc. – 3,226 employees
- Great Empire Gaming and Amusement Corp. – 3,086 employees
Ito ay kabaliktaran sa sinasabi ng Duterte Admin na magdadala ang mga POGO ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
READ MORE: Firing Range Para Sa Pageensayo ng mga Chinese, Ikinakabahala ng mga Taga Paranaque
Mga POGO, hindi nagbabayad ng Tax
Sa kabila ng walang pakinabang sa mga Pinoy, hindi din umano nagbabayad ng buwis ang karamihan sa mga ito.
Batay sa report ng Bureau of Internal Revenue (BIR), halos 50 billion pesos ang tax na tinakbuhan ng mga Chinese POGO operators.
Dagdag pa ni Atty. Sixto Dy Jr. ng BIR Office of the Deputy Commission for Operations, lahat ng foreign-based POGO ay hindi nagbabayad ng franchise tax.
READ MORE: 3,000 Sundalong Chinese, Sikretong Nasa Pilipinas Ngayon
POGO and Crimes
Sinabi naman ni PNP Deputy Chief of Operations Guillermo Eleazar na directly linked ang pagtaas ng krimen sa POGO operations sa bansa.
Kabilang na dito ang human trafficking, forgeries, kidnappings, murders at iba pa.
READ MORE: 500,000 Chinese ang Pinapasok sa Bansa Simula December 2019 – Report
Duterte: Hindi isasara ang mga POGO
Sa kabila nito, nanindigan ang Duterte Administration na hindi nila isasara ang mga POGO.
“Wala namang reason para i-shut down. Ano bang reason para i-shut down?” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.