fbpx

PH Passports, Binebenta Sa Mga Chinese

MANILA, Philippines – Sa isang nakakabahalang rebelasyon sa Senado, may kakayahan na mag-issue ng Philippine Passport ang ng mga Chinese travel agencies sa kanilang kapwa mga Intsik.

READ: POGO Island sa Kawit, Halos Tapos Na

Ito ang lantarang offer ng mga Chinese Travel Agencies sa online messaging platform na WeChat na kalimitang gamitin ng mga Chinese.

READ: 500,000 Chinese ang Pinapasok sa Bansa Simula December 2019 – Report

Pati PH Birth Certificate, Driver’s License at Bank Accounts, Pwede na Din!

Maliban sa PH Passport, lantarang inooffer na din ng mga Chinese travel agencies ang pagbibigay ng PH Birth Certificates, Driver’s License at Bank Accounts.

READ: Intsik na Namaril sa Makati, May ID ng Chinese Military

Image
Screenshot ng isang advertisement ng mga serbisyo ng isang travel agency para sa mga Intsik na papasok at nasa Pilipinas

Konektado sa BI “Pastillas Group”?

Lumabas sa hearing na ang mga may-ari umano ng mga nasabing travel agencies ay malakas ng koneksyon sa mga government agencies lalo na sa Bureau of Immigration. Kahit umano mga blacklisted Chinese ay kaya nilang ipatanggal sa listahan.

Kasabay ang rebelasyong ito sa isyung kinakaharap ngayon ng Bureau of Immigration officers kung saan sila ay nahuli sa isang video na nagbibigay ng “VIP Treatment” sa mga pumapasok na Chinese sa bansa kapalit ng pera.

READ: BI Pastillas Boys: Imbis na Suspension, Binigyan Pa ng Bagong Assignment. Patuloy ang Sweldo



Comments

Comments are closed.