Intsik na Namaril sa Makati, May ID ng Chinese Military

MAKATI, Philippines – Nagbarilan ang isang grupo ng mga Chinese sa isang hotpot restaurant sa Makati.
Nakunan ng CCTV ng nasabing restaurant sa Barangay Bel Air pasado 10pm nitong Huwebes ang pagpasok ng limang Chinese na lalaki kasama ang isang babae.
READ MORE: PH Passports, Binebenta Sa Mga Chinese

Sa loob ng VIP section ng restaurant nagkaroon ng barilan kung saan dead on the spot si Yi Jian Tao at naisugod naman sa ospital ang kasama nyang si Kai Zheng.
READ MORE: Firing Range Para Sa Pageensayo ng mga Chinese, Ikinakabahala ng mga Taga Paranaque

Nakatakas ang isa nilang kasama habang nahuli ang dalawa. Kabilang sa nahuli ay ang isang nagngangalang Yang Chau Wen.
Ayon kay Yang, dalawang buwan na syang “turista” sa Pilipinas.
READ MORE: 3,000 Sundalong Chinese, Sikretong Nasa Pilipinas Ngayon
Miyembro ng Chinese Military
Nakuha sa dala nyang bag ang tatlong baril at cash na Php 345,000.
Nakuha din sa kanya ang isang Chinese Military ID.
READ MORE: 500,000 Chinese ang Pinapasok sa Bansa Simula December 2019 – Report

536,205 Chinese ang Pumasok sa Bansa Simula Noong December 2019
Ayon sa report na ipinakita ni Sen. Richard Gordon, higit sa kalahating milyong Chinese ang pumasok sa bansa simula noong Disyembre 2019.
156,000 sa kanila ang binigyan ng Pilipinas ng alien employment permits, 115,000 ang binigyan ng special working permits at 77,000 ang may prearranged employment visa.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pag-agaw ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.