MANILA, Philippines – Early January 2020 pa lamang, may mga panawagan na para sa travel ban o kahit preemptive regulations para sa mga tao na nanggagaling sa China matapos magsimulang kumalat ang Novel Corona Virus mula Wuhan, China.
Tila walang ginawa ang Duterte Admin. Mas pinagtuunan pa ng pansin ang ABS-CBN franchise renewal.
January 30, 2020 – Inanunsyo ng Duterte Admin na may isa nang kaso ng Corona Virus sa bansa – isang 38-year old na babaeng Chinese galing Wuhan, China na pumasok sa bansa noong January. Nakalibot pa sya at ang kanyang asawa sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas bago madiagnose.
February 1, 2020 – Namatay ang asawa ng Chinese na babaeng unang nadiagnosed ng nasabing virus. Ilang netizens ang nagsabi na bakit hindi sinabi ng gobyerno na dalawa pala ang Corona Virus case.
Tila parang may tinatago ba ang ating Gobyerno?
Gobyernong walang preparasyon?
Early January 2020 pa lamang ay walang habas na ang paghahanda ng ibang bansa para sa mga posibilidad ng Corona Virus. Ang ibang bansa ay nagmanufacture at nagipon na ng face masks upang libreng maipamigay sa kanilang citizens. Ang ilan naman tulad ng Singapore ay mabilisang nagupgrade ng kanilang mga medical facilities.
Ang Pilipinas?
Kahit mga face masks ay walang naibigay ang Gobyerno. Ang rason na sinabi? Wala na daw kasi mabili.
Period.
“Magtanong kayo if I will bar the Chinese from entering (the Philippines), the answer of course is NO! That is an utter disrespect!”
– President Duterte
Patuloy ang pagpapapasok sa mga Chinese mula Mainland China
Habang naglagay na ng total ban ang ibang bansa upang pigilan ang pagpasok ng mga posibleng infected na tao mula China, ang Pilipinas, patuloy pa rin ang pagpapapasok ng flights mula Mainland China.
Eto ang mga sinabi ni Pangulong Duterte: “Magtanong kayo if I will bar the Chinese from entering (the Philippines), the answer of course is NO! That is an utter disrespect!”
Ayon sa report na ipinakita ni Sen. Richard Gordon, 536,205 na Chinese ang pinayagang pumasok ng Duterte Admin sa Pilipinas simula December 2019.
156,000 sa kanila ang binigyan ng Pilipinas ng alien employment permits, 115,000 ang binigyan ng special working permits at 77,000 ang may prearranged employment visa.
READ MORE: 500,000 Chinese ang Pinapasok sa Bansa Simula December 2019 – Report
Gobyernong may tinatago?
Habang distracted ang taumbayan sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal, ilang linggong walang report ng bagong kaso ng Corona Virus. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin nang biglang lumabas ang balita noong March 5, 2020 na nadiskubre na ang Taiwanese at Australian na mga bagong kaso ng Corona Virus ay nanggaling sa Pilipinas.
Kinabukasan (March 6, 2020), matapos pumutok ang balitang ito ay biglang kumambyo ang Department of Health. Sinabi nila na may dalawang bagong kaso na daw ng Corona Virus sa bansa.
READ MORE: Taiwanese at Australian na Galing sa Pinas, Nagpositive sa Corona Virus. DOH, Biglang Kambyo?
Dito na dahan-dahang dumagdag ang reports ng mga bagong kaso ng Corona Virus. Ngayong araw lang ay may nadagdag na sampung tao sa listahan. As of posting time, 20 na ang reported na merong Corona Virus sa Pilipinas. Meron na ding confirmed community transmission.
Sinasabi na posibleng marami na ang nahawa ng nasabing virus sa bansa ngunit hindi lang alam dahil sa kakulangan ng testing kit ng Gobyerno natin.
Pagbebenta ng PH Passports sa mga Chinese
Sa isang nakakabahalang rebelasyon sa Senado, may kakayahan na mag-issue ng Philippine Passport ang ng mga Chinese travel agencies sa kanilang kapwa mga Intsik.
Ito ang lantarang offer ng mga Chinese Travel Agencies sa online messaging platform na WeChat na kalimitang gamitin ng mga Chinese.
READ MORE: Firing Range Para Sa Pageensayo ng mga Chinese, Ikinakabahala ng mga Taga Paranaque
Pati PH Birth Certificate, Driver’s License at Bank Accounts, Pwede na Din!
Maliban sa PH Passport, lantarang inooffer na din ng mga Chinese travel agencies ang pagbibigay ng PH Birth Certificates, Driver’s License at Bank Accounts.
Ibig sabihin, maaari nang magpanggap ang mga Chinese na mga Pilipino at patuloy na pumasok sa ating bansa.
READ MORE: 3,000 Sundalong Chinese, Sikretong Nasa Pilipinas Ngayon