3,000 Sundalong Chinese, Sikretong Nasa Pilipinas Ngayon

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson na higit sa 3,000 na miyembro ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) ang pumasok sa bansa. Ilan sa kanila ay pumasok bilang turista at ang ilan ay empleyado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
READ: Intsik na Namaril sa Makati, May ID ng Chinese Military

Ayon sa reliable source ni Sen. Lacson, nandito sa bansa ang mga sundalong Chinese para umano sa isang “immersion mission”.
READ: 500,000 Chinese ang Pinapasok sa Bansa Simula December 2019 – Report

Inabisuhan ni Sen. Lacson ang intelligence community ng Pilipinas na magkaroon ng “extra effort” sa pagbabantay sa bagay na ito.
READ: Firing Range Para Sa Pageensayo ng mga Chinese, Ikinakabahala ng mga Taga Paranaque
Imposibleng hindi ito alam ni Duterte
Sa privilege speech naman ni Sen. Gordon noong Martes, sinabi nya na imposibleng hindi alam ni Pangulong Duterte ang mga pangyayaring ito ukol sa Chinese. Lalo na ang walang habas na pagpasok ng mga ito sa ating bansa at ang pagdadala ng limpak-limpak na salapi na maaaring ginagamit sa money-laundering activities.
READ: PH Passports, Binebenta Sa Mga Chinese
Mga Hapon, nag-“immersion mission” din bago ang World War II

Hindi na bago ang ganitong taktika. Matatandaan na ang mga sundalong Hapon din ay nagsagawa ng iba’t-ibang “immersion missions” sa mga bansang nais nila sakupin bago mag World War II. Ang ilang mga sundalong Hapon na dumating sa Pilipinas noon ay nagpanggap na mga tindero, barbero, bangkero at iba pa.
Ngayon, POGO naman ang cover ng mga sundalong Intsik.