fbpx

Taiwanese at Australian na Galing sa Pinas, Nagpositive sa Corona Virus. DOH, Biglang Kambyo?

MANILA, Philippines – Inireport kahapon na isang Taiwanese at isang Australian ang nagpositibo sa Corona Virus matapos bumyahe sa Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng ilang linggong walang nirereport ang Department of Health (DOH) na bagong transmission ng Covid19 sa bansa.

Biglang may bagong kaso?

Matapos pumutok ang balitang ito kahapon, biglang naglabas ng report ang DOH ngayong umaga na may bagong dalawang kaso ng Covid19 sa bansa. Isang 48 na taong lalaki na galing Japan at isang 62 na taong lalaking walang travel history. Pareho silang Pilipino.

1st reported community transmission ng Covid19 sa Pinas

Isa itong nakakabahalang balita sapagkat ibig sabihin, malaki na ang posibilidad ng person-to-person transmission sa bansa mula sa mga infected na galing abroad.

Maraming netizens naman ang kumwestiyon ng timing ng DOH announcement.

Ang ilang netizens naman ay nagsabi na imposible na lima pa lang ang merong Covid19 sa bansa sapagkat ang Pilipinas ang may pinakamaraming pinapasok na Chinese simula noong pumutok ang pagkalat ng Covid19 noong Disyembre 2019.

READ: 500,000 Chinese ang Pinapasok sa Bansa Simula December 2019 – Report

Higit sa kalahating milyong Chinese ang pumasok sa Pinas simula Disyembre 2019

Ayon sa report na ipinakita ni Sen. Richard Gordon, 536,205 ang reported na pumasok na Chinese sa bansa simula noong Disyembre 2019.

Karamihan nito ay galing sa Hubei province at 4,850 ang nanggaling mismo sa Wuhan City.

Sa kabila nito, may mga netizens na nagsabi na kaya konti pa lang ang narereport na kaso ng Covid19 sa bansa ay dahil wala pa tayong sapat na teknolohiya at kakayahan upang magtest ng maraming tao.

READ: Intsik na Namaril sa Makati, May ID ng Chinese Military

Babala ng Palasyo

Nagbigay naman ng babala ang Malacanang na huwag basta-basta gumawa ng konklusyon ukol sa Covid19.

READ: PH Passports, Binebenta Sa Mga Chinese