fbpx

Roque, Nagswimming sa Subic sa Kabila ng COVID

SUBIC, Philippines – Matatandaan na nakarinig ng matinding sermon ang sambayanan mula kay Presidential Spokesperson Harry Roque dahil umano’y sa pagiging “pasaway” ng mga Pilipino. Binanatan ni Roque ang paglabas ng mga Pilipino sa kanilang mga tahanan kahit na may umiiral na community quarantine. Sinisi pa ni Roque ang mga “pasaway” na Pilipino kaya umano kumalat ang COVID-19 sa bansa.

READ MORE: P45,000 Para sa 1 Box ng Pako? Mayor na Kaalyado ni Duterte, Viral Dahil sa COA Report

Kaya naman ganun na lamang ang pagtaas ng kilay ng mga netizens ng kumalat sa internet ang picture ni Harry Roque na nagliw-aliw sa isang resort sa Subic. Kita sa mga litrato ang masayang si Roque na kasama ang mga dolphins.

READ MORE: Malacanang, Inihambing ang Frontliners kay Dr. Jose Rizal

READ MORE: Tugade to Commuters: “Lahat tayo may moments of discomfort”

Ayon sa guidelines ng General Community Quarantine, ipinagbabawal pa din ang mga non-essential activities tulad ng mga leisure activities.

Hindi ito pinalampas ng mga netizens.

READ MORE: Gobyerno: “Hindi Kami Nangako ng Public Transport Ngayong GCQ”

As of posting time, binura na ng nasabing resort ang mga litrato mula sa kanilang official Facebook page.

READ MORE: Warrant of Arrest Kay Duterte, Posibleng Ilabas ng ICC Bago Matapos ang 2020.