Pinakamalaking Parte ng 2021 Health Budget, Mapupunta Kay Duque at PhilHealth.

Pinakamalaking Parte ng 2021 Health Budget, Mapupunta Kay Duque at PhilHealth.
March 7 2020 CODE RED- Health Sec. Francisco Duque announces on saturday that it has raised Code Red sub level 1 health status in the country after it has confirmed the 1st case of local transmission of Covid19 in the Phils. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

MANILA, Philippines – Kahit na kaliwa’t kanan na ang iskandalo na bumabalot kay Health Secretary Francisco Duque III at PhilHealth, sila pa din ang makakatanggap ng pinakamalaking budget allocations ng P204 Billion health budget.

READ MORE: Gordon, PH Red Cross, Kasali sa Kumubra sa PhilHealth IRM Funds – Whistleblower

Inilaan ang halos 62% ng nasabing budget sa opisina mismo ni Duque na tatanggap ng P127.3 billion habang 35% naman sa PhilHealth na tatanggap ng P71 billion.

Kulang pa ang budget na ito – Duque

Ngunit sa kabila ng mataas na budget increase na hinihingi ng DOH, harapang sinabi ni Duque na sa katunayan, kulang pa ito.

READ MORE: Duterte, Matagal Nang Alam ang Mindanao Group PhilHealth Mafia – Whistleblower

Paliwanag ni Duque, ang hinihingi nilang budget para sa PhilHealth ay P138 billion.

Ito ay sa kabila ng iskandalo ng mismanagement at kurapsiyon sa PhilHealth na ayon sa mga ekperto ay nakatakdang mabangkarote sa susunod na taon.

READ MORE: Ospital sa Davao City, Pinakamalaking Nakubra sa PhilHealth Budget. Dinaig ang PGH.