fbpx

Ospital sa Davao City, Pinakamalaking Nakubra sa PhilHealth Budget. Dinaig ang PGH.

MANILA, Philippines – Isiniwalat ng Legal Counsel ng PhilHealth na si Atty. Roberto Labe Jr. sa kanyang testimonya sa Senado ngayong araw, August 11, 2020 ang malaking natanggap ng isang Davao City hospital mula sa PhilHealth funds.

READ MORE: 10-Bed Infirmary sa Davao na Walang Pasyente, Binayaran ng Php 10 Million ng PhilHealth

Ayon kay Labe, tumanggap ng P326 million na pondo ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City mula sa PhilHealth Interim Reimbursement Mechanism (IRM) for COVID-19 patients.

READ MORE: PhilHealth Employees, Nanawagan na Sibakin Sila Duque, Morales. Duterte, Ayaw Pumayag.

Ang SPMC ang may pinakamalaking nakuhang budget sa lahat ng ospital sa Pilipinas. Tinalo pa nito ang Philippine General Hospital (PGH) na pinakamalaking government-owned hospital sa bansa na nakakuha lamang ng P263.3 million.

Tinatayang nasa P15 billion ang nawawalang pondo ng PhilHealth.

READ MORE: ‘Ninong Duque’, Sangkot sa ‘Ghost Dialysis’ ng PhilHealth