QUEZON CITY, Philippines – Habang karamihan ng mga Pilipino ang nagtitiis at patuloy na sumusunod sa “Stay at Home” rule ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 o “China Flu”, tila malayang nakakagala ang ilang vloggers ng Duterte Admin.
Pinatunayan ni Banat By, isang social media influencer supporter ni Pangulong Duterte at manager ni Mocha Uson, na hindi nagaapply ang batas kapag malakas ang kapit sa Administrasyong Duterte.
Sa kanyang FB live kahapon, May 9, 2020, pinakita ni Byron Cristobal o mas kilala sa tawag na Banat By na sya ay bumyahe patungong ABS-CBN Compound sa Sgt. Esguerra sa Quezon City kahit na pinapatupad ang ECQ.
Ang sadya nya? Upang itanong lamang ang address ni Coco Martin dahil gusto nya makipagbasag-ulo.
“Stay at Home” ECQ Rules
Ayon sa batas, hindi maaaring lumabas ng tahanan habang umiiral ang ECQ. Ang mga pwede lamang lumabas ay ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) tulad ng:
- Health
- Security
- Emergency response
- Banking
- Vendors
- Delivery
- Sanitation
Siguradong hindi kabilang si Banat By sa mga ito. Kilala sya bilang manager ng Mocha Girls, isang grupo ng sexy dancers na itinayo ng former self-proclaimed sex guru at kasalukuyang PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.
READ MORE: Honesty at Hindi Lockdown ang Solusyon sa COVID-19 – Success Story ng Taiwan
Malinaw na paglabag sa ECQ Rules ni Banat By
Ayon din sa batas, kahit na may pass ang isang indibidwal, hindi sya maaaring gumala-gala unless “essential” ang kanyang pakay sa paglabas.
Ang tanong, “essential” ba ang pagpunta ni Banat By sa ABS-CBN?
Sinuportahan pa ito ni Asec Mocha at pinost sa kanyang official FB Page na may caption na, “Lusubin natin ang ABSCBN at hanapin si COCO MARTIN”.
Matatandaan na si Mocha mismo ay lumabag sa ECQ rules noong April 25, 2020 nang magsagawa ng mala-party na mass gathering kasama ang mga OFWs sa Batangas.
Hindi sya kinasuhan.
READ MORE: Mocha, Hindi Kakasuhan ng Malacanang Kahit na Lumabag sa ECQ Rules
Pag malakas ang kapit, walang huli?
Ito ay sa kabila ng istriktong implementasyon ng ECQ sa mga ordinaryong Pilipino. Matatandaan na napakadami nang hinuling mga mahihirap na lumalabas sapagkat wala nang makain. May mga reports pa ng karahasan ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng ECQ.
Ngunit bakit hinahayaan lamang ng mga awtoridad na maka-gala si Banat By?
Ilang oras bago lumabas at lumabag sa ECQ rules nagpost pa ng isang “Stay at Home” na paalala sa kanyang FB Page si Banat By.
READ MORE: Warrant of Arrest Kay Duterte, Posibleng Ilabas ng ICC Bago Matapos ang 2020.
Isa rin si Banat By sa mga matinding tumuligsa sa mga Pilipinong lumalabas kahit na ECQ.
Comments
Comments are closed.
Hindi lang gumala, mukhang stalker pa, at gustong makipag -away. Ang ginawa ni Coco Martin ay sa Social Media, so sumagot din siya sa Social Media.