MANILA, Philippines – Matapos palabasin ang propagandang music video na pinamagatang “Iisang Dagat”, naglabas naman ng babala ang gobyerno ng China na huhulihin nila ang sinumang mangingisda sa Paracel Island at Scarborough Shoal sa West Philippine Sea na eksklusibong teritoryo ng Pilipinas.
Fishing Ban ng China
Nagtalaga ng “Fishing Ban” ang China mula May 1 hanggang August 16 upang “ipreserba” umano ang natural resources ng nasabing dagat na teritoryo ng Pilipinas.
READ MORE: China, Tuluyan nang Sinakop ang Spratlys sa Kabila ng COVID. Duterte, No Comment Pa Rin.
Ayon sa China Maritime Authority, “The Chinese coast guard and the Chinese Maritime Unit will arrest any foreign fishing vessel illegally entering Zhongsha islands (Panatag). China has indisputable sovereignty over the South China Sea and its adjacent waters, anyone who attempts to violate this law will be dealt severely”.
READ MORE: COVID-19, Hindi Galing sa Paniki Kundi Galing sa Isang Chinese Biolab – Research Paper
Mapanirang China
Ngunit kung titingnan ang 2019 IUU Fishing Index, China ang isa sa may pinakamalaking naidulot na kasiraan sa karagatan. Sila din ang may pinakamaraming illegal na pangingisda.
READ MORE: POGO Workers na Papuntang Cagayan, May Police Escort!
Tinatayang 33.1 bilyon kada taon ang halaga ng sinisirang reef ecosystems ng China sa Panatag (Scarborough) Shoal and the Spratlys Islands. Ayon kay Deo Florence Onda, scientist mula sa University of the Philippines, ito ay isang napaka-conservative pa na estimate.
Makikita sa mga satellite images na higit sa 550 hectares na ang nasisira ng China sa Panatag Shoal at 1,300 hectares sa Spratlys Group.
READ MORE: Mocha, Hindi Kakasuhan ng Malacanang Kahit na Lumabag sa ECQ Rules