fbpx

Honesty at Hindi Lockdown ang Solusyon sa COVID-19 – Success Story ng Taiwan

Dahan-dahan nang lumalabas ang mga ebidensya na nagpapakita ng pagiging guilty ng China sa pagkalat ng COVID-19 sa mundo. Maliban sa naunang pagtago ng Chinese Government sa nasabing virus noong umpisa pa lang itong kumalat, pinipilit pa nila ngayon na ilipat sa iba ang sisi sa nasabing virus.

Sunod-sunod ang pagkawala ng mga doctor na nagsasabi ng kahit anong negatibo tungkol sa paraan ng paghandle ng China sa Corona Virus outbreak.

READ MORE: Whistleblowing doctor missing after criticizing Beijing’s coronavirus censorship

READ MORE: Three coronavirus whistle-blowers remain missing two months after exposing the true scale of the outbreak from Wuhan

Kahit Walang Lockdown: 55 lang ang local transmission ng COVID sa Taiwan

Kahit na napakalapit lang ng Taiwan sa China, nakakamangha na 393 lang ang nahawa sa kanila ng COVID-19. At 338 nang mga ito ay sa ibang bansa nahawa. Ibig sabihin, 55 lang ang local transmission sa nasabing bansa.

Sa lahat nang ito, anim lang ang namatay.

Lahat nang ito ay nagawa ng Taiwan nang walang lockdown o enhanced community quarantine na ginawa.

Bakit naging napaka epektibo ng Taiwan kumpara sa China at lalo na sa Pilipinas?

READ MORE: Lahat ng Donations, Dadaan Dapat Kay Duque – DOH

December 2019 Umaksyon na Agad ang Taiwan

Kabaliktaran naman ang ipinakita ng bansang Taiwan sa response nito sa COVID-19.

December 2019 pa lang ay gumawa na ng hakbang ang Taiwan laban sa Corona Virus habang todo deny pa ang China. Lahat ng flights galing Wuhan, China ay iniinspeksiyon ng mga Taiwanese Officials. Sinisiguro na walang may sintomas ng COVID-19 bago sila pababain ng eroplano.

READ MORE: 4,850 na Taga Wuhan, Pinapasok ng Duterte Admin sa Pinas Simula December 2019 – Senate Report

Pagdating ng January 5, 2020, hindi na sila nagpapasok ng kahit sinong nanggaling sa Wuhan in the past 14 days kahit ikinagalit pa ito ng Chinese Government.

Noong February 14, 2020 ay sinimulan na nila ang mandatory quarantine sa mga identified na “high-risk” individuals.

READ MORE: COVID-19, Hindi Galing sa Paniki Kundi Galing sa Isang Chinese Biolab – Research Paper

“Complete Transparency” ng Taiwan

Maliban sa maagang pagtugon sa krisis kahit magalit pa sa kanila ang China, ang isa sa tinuturo na naging malaking factor sa success ng Taiwan ay ang complete transparency na pinatupad ng kanilang gobyerno.

Araw-araw na nagpresscon ang Bise Presidente ng Taiwan upang magbigay ng updates ukol sa naturang krisis. Hindi nila tinago ang mga impormasyon at mga konkretong plano ng Gobyerno at kung paano ito maiimplement.

Lahat ng mga pinuntahang lugar ng mga suspected at mga COVID-19 positive ay ipinapakita ng Gobyerno nila sa kanilang mga citizens upang magsilbing babala.

READ MORE: Nasaan na ang mga Malasakit Centers?

Gumawa din agad ng coronavirus hotline ang Taiwanese government kung saan masipag na hinanap ang may mga sintomas. Tumulong din ito para maging efficient ang contact tracing.

Agad ding nagtalaga ng price limits at anti-hoarding policies ang Taiwan habang inatasan ang Militar na tumulong sa pag produce ng masks. Umabot sa 15 million masks per day ang kanilang production.

READ MORE: Imbes na Konkretong Plano: Duterte, Nilait Lang ang Ngipin ni Diokno.

Taiwan ang unang nagbabala tungkol sa COVID-19. Hindi ito pinansin ng WHO dahil sa China

Nagpadala ng babala ang Taiwan sa World Health Organization (WHO) sa maaaring idulot ng Corona Virus. Ngunit dahil sa paghaharang na ginawa ng China, hindi ito pinansin ng WHO at patuloy na tumulong upang ikalat ang mga kasinungalingan ng Communist Party of China.

READ MORE: Tulong Mula Kay VP Leni, Umabot na Hanggang Tawi-Tawi