fbpx

Duterte, Hindi na Muna Magpapa-Turok ng Russian Vaccine. Susubukan Muna sa mga Ordinaryong Pinoy.

MANILA, Philippines – Matapos ibalita ni Russian President Vladimir Putin na nagawa na nila umano ang pinakaunang Corona Virus vaccine, agad na nagvolunteer si Pangulong Duterte na unang magpapaturok. Pinagmayabang pa nya na gagawin nya ito ng live sa national tv.

READ MORE: Ospital sa Davao City, Pinakamalaking Nakubra sa PhilHealth Budget. Dinaig ang PGH.

Ngunit matapos ang ilang araw, binawi din ito agad. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na muna magpapaturok si Duterte tulad ng pangako nito.

Baka mga May 1, 2021 pa daw ang pinakamaagang date na magpaturok si Duterte.

Kailangan daw muna masubukan ng maigi ang vaccine bago iturok sa Pangulo.

READ MORE: 10-Bed Infirmary sa Davao na Walang Pasyente, Binayaran ng Php 10 Million ng PhilHealth

Mga Ordinaryong Pinoy Muna

Nakatakda naman gawing guinea pigs ang mga pinoy para sa 3rd phase ng clinical trials ng Russia.

READ MORE: ‘Ninong Duque’, Sangkot sa ‘Ghost Dialysis’ ng PhilHealth

Nakipagusap na ang mga opisyales ni Duterte sa Russian government upang idiscuss ang protocols ng nasabing trials.

READ MORE: PhilHealth Employees, Nanawagan na Sibakin Sila Duque, Morales. Duterte, Ayaw Pumayag.