MANILA, Philippines —Sa kabila ng mababang efficacy rate ng Sinovac, inaprubahan pa rin ng bansang Indonesia ang emergency use ng naturang Chinese vaccine.
Nakuha ng Indonesia ang Sinovac sa halagang Rp 200,000 (US$13.7) per dosage o nasa 700 PHP lang. Malaking diperensya ito kumpara sa 3,629.50 PHP na Sinovac na binili ng Duterte Administration.
Kung susumahin, mas mahal ng halos 3,000 PHP ang Sinovac sa Pilipinas kumpara sa bansang Indonesia. Hindi pa kasama rito ang logistical requirements tulad ng vaccinators, PPEs, supplies, atbp. na kailangan para sa pagbabakuna.
Ayon sa estimated price na inilabas ng Duterte Admin sa publiko, pangalawa ang Sinovac sa pinakamahal na bakuna kontra COVID-19. Hindi naman nagpatinag ang Pangulo sa pagbili ng nasabing Chinese vaccine kahit sa kabila ng 50.4% efficacy rate nito.
READ MORE: PART 1: Pharma Companies ng China, Nahuling Gumagawa ng Fake at Expired Vaccines
Maaalala na sinabi ni Health Secretary Duque na nakapag-close ito ng deal para sa 25 Million doses ng Sinovac. Ito ay matapos niyang pumalpak sa pagkuha ng bakuna galing Pfizer na mas mura naman kumpara Sinovac at may 95% efficacy rate.
READ MORE: Pinakamalaking Parte ng 2021 Health Budget, Mapupunta Kay Duque at PhilHealth
Maraming mga Pilipino ang nababahala sa pagkuha ng Sinovac dahil sa mga isyu nito.
Nitong nakaraang araw naman ay nagpahayag ang kampo ng Pangulo sa publiko; at sinabing wag na maging “choosy” o pihikan sa pagkuha ng bakuna, lalo’t libre lamang ito -kahit na buwis ng bayan ang ginamit sa pagbili ng bakuna.
READ MORE: Duterte, Hindi na Muna Magpapa-Turok ng Russian Vaccine