fbpx

Kerwin Espinosa inilaglag si Bato Dela Rosa, Inutusan daw siyang idawit si De Lima

Sa harap ng House Quad Committee ibinulgar ni Kerwin Espinosa na si former Chief of Police at ngayong Senator Bato Dela Rosa ang nag-utos sa kanya na idawit si former Senator Leila de Lima sa mga drug-related cases noong panahon ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Espinsosa, “Ang sumundo sakin si General Bato, inakbayan niya ako papunta sa sasakyan na Land Cruiser na puti na bulletproof, noong sumakay na kaming lahat, si General nasa front seat at ako nasa likod, pinagitnaan ako ng dalawang pulis at sinabihan niya ako na aminin mo na sangkot ka sa kalakaran ng druga dito sa pilipinas at idawit mo si Peter Lim at Liela De Lima para madiin na sila.
Kapag hindi raw ako sumunod sa plano pwedi mangyare saakin ang nangyare sa ama ko o isa sa mga pamilya ko ang mamatay.”

Sagot naman ni Dela Rosa ay puro kasinungalingan lang ang pinagsasabi ni Espinosa at kapag makita niya ito ay susuntukin niya daw ito.

Wala na ba talagang alam sina Bato at Duterte kundi gumamit ng dahas? Ngayon, kayo naman ang haharap sa taumbayan para mahusgahan at magpataw ng hustisya sa lahat ng mga naging biktima ng inyong war on drugs.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *