fbpx

SYA NALANG PLS! #LetLeniLead, Trending!

MANILA, Philippines – Ayon sa kasabihan, mas makikilala mo ang isang tao kung paano nya gamitin ang kapangyarihan. Sa pandemya ng COVID, nakaroon ng malaking contrast sa leadership styles ng Pangulo at Bise Pangulo ng Pilipinas.

Ayaw mag ban ng Chinese dahil ayaw maoffend si Xi

Kasabay kasi ng ragasa ng nasabing pandemya ay ang sunod-sunod na kapalpakan ng Administrasyong Duterte. Bago pa man magkaroon ng COVID-19 sa Pilipinas, nanawagan na si VP Leni kay Pangulong Duterte na mag-impose na ng nationwide travel ban sa mga galing sa mainland China.

Ang sagot ni Duterte? Hindi daw nya gagawin yun dahil ayaw nya maoffend ang China dahil “China has been a very good friend”.

READ MORE: 4,850 na Taga Wuhan, Pinapasok ng Duterte Admin sa Pinas Simula December 2019 – Senate Report

https://www.facebook.com/BantayNakawCoalition/videos/564769270820166/

Nang kumalat ang COVID, sinisi ang mga Pinoy

Nang kumalat na ang COVID sa bansa, imbis na magmass testing tulad ng ginawa ng ibang bansa, mas pinili pa ng Administrasyong Duterte na pondohan ang propaganda arm at isisi sa mga ordinaryong Pinoy ang mabilis na pagkalat ng COVID.

Ayon kay Duterte, masyadong pasaway ang mga Pinoy dahil labas ng labas.

Sagot naman ng mga Pilipino, wala silang choice dahil magugutom sila kung hindi sila maghahanap ng pagkakakitaan.

“Health is Wealth”

Habang patuloy ang pag-utang ng Administrasyong Duterte na rason kung bakit pumalo na sa 9 trillion pesos ang utang ng bansa, patuloy naman ang kurapsiyon sa mga ahensya ng gobyerno partikular sa PhilHealth. Lumalabas na 15 bilyong pondo na ang nawawala sa PhilHealth na nakatakdang maubusan ng pondo sa 2021 ayon sa testimonya ng isang eksperto.

READ MORE: Ospital sa Davao City, Pinakamalaking Nakubra sa PhilHealth Budget. Dinaig ang PGH.

Habang bilyon ang nawawala, patuloy naman ang serbisyo na binibigay ni VP Leni. Katuwang ang private sector, nakapagbigay ng libreng sakay at dorms para sa mga frontliners si VP Leni sa Metro Manila at Cebu. Ang mga apektadong vendors naman at negosyante ay kumita dahil sa community mart app na pinagawa ng Office of the Vice President.

READ MORE: Duterte, Matagal Nang Alam ang Mindanao Group PhilHealth Mafia – Whistleblower

READ MORE: VP Leni: “Hindi Inutil ang mga Pilipino”

Nasaan ang Pangulo?

Usap-usapan din ngayon ang estado ng kalusugan ng pangulo. Hanggang ngayon ay hindi pa din naglalabas ng medical bulletin ng pangulo ang palasyo kahit na ito ay isang constitutional requirement. Tightly guarded secret ito. Kaya hindi maintindihan ng mga Pilipino kung nasa ayos pa ba ang physical at mental health ng pangulo at kung in full capacity pa ba sya.

READ MORE: Duterte, Kasalukuyang Nasa “Perpetual Isolation”

Laging late o postponed ang kanyang “scheduled” address to the nation. Hindi na din coherent ang thought patterns nya at gibberish na din magsalita.

Si VP Leni naman, patuloy ang pagsabak sa frontlines upang makapagbigay ng serbisyo ngayong pandemya.

Nasaan ang Plano?

Ilang buwan na ang hampas ng pandemya sa Pilipinas ngunit hanggang ngayon, wala pa ding maibigay na kongkretong plano si Duterte.

READ MORE: VP Leni, Isinusulong ang Tax Incentives at Stimulus Package Para Makabangon ang mga Negosyo

Mas nauna pang maglahad ng framework ng plano si VP Leni na base sa mga natutunan ng Office of the Vice President sa ilang buwan nilang COVID response program. Nakalakip sa plano nito ang mitigation, testing, pati na economic plans upang maresolba ng gobyerno ang pandemya.

READ MORE: AYAN ANG PLANO: VP Leni, Pinadala na sa Malacanang ang Plano Para Umayos ang COVID Response ng Gobyerno

#LetLeniLead

Matatandaan na teritoryo nila Duterte social media dahil sa milyon-milyong pondo na binuhos nila sa propaganda kasama na ang mga troll centers na binabayaran nila.

Akala ng lahat, wala nang katapusan ang kasikatan at pagiging teflon ni Duterte.

Ngunit dahil sa COVID Pandemic, nakita ng mga Pilipino ang pekeng liderato ni Duterte na nakabase lamang sa propaganda. Klarong-klaro na kung sino ang peke sa totoong lider.

Ramdam na ramdam na ang pagkakaiba ng competence nila Duterte at Robredo.

Kaya naman, napakadami nang supporters ng pangulo ang sumama sa pagsigaw ng #LetLeniLead na laging trending kasabay ng #OustDuterte at iba pang variations ng mga ito.

Kahit sa mga simpleng online polling, hindi na manalo si Duterte at ang mga alipores nito.

Gising na ang mga Pilipino.