MANILA, Philippines — Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na napakahalaga na maipasa nila ang Marawi Siege Compensation Act para mapabilis ang pagbangon ng mga mamamayan ng Marawi City.
Ang batas na may label na Senate Bill No. 2420 ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa noong Martes.
Sinabi ng senador na mayorya ng mga taga-Marawi ay wala pa ring tahanan, at wala pa ring paraan para muling maitayo ang kanilang mga tahanan mahigit 4 na taon matapos ang pagkubkob.
Si Zubiri din ang nag-akda at nag-sponsor ng Bangsamoro Organic Law noong 2018 bilang tugon sa pagkubkob.
“If we did not address the concerns of just and lasting peace and social justice for our brothers and sisters in Muslim Mindanao, these acts of terrorism would keep happening in other cities later on,” dagdag pa niya.
Ang Marawi Siege Compensation Act ay lumilikha ng Marawi Compensation Board upang mapadali ang walang buwis na pagbabayad ng mga reparasyon sa mga taong lumikas sa Marawi Siege.