MANILA, Philippines – Dahil sa bagong extension ng lockdown ng mga lugar sa Pilipinas dahil sa COVID-19, inaasahang aabot na ng 80 araw ang total lockdown days ng Pilipinas.
Dahil dito, matatalo na natin ang haba ng lockdown ng Wuhan, China na umabot lamang ng 76 na araw. Ang Wuhan ang pinanggalingan at epicenter ng Corona Virus pandemic.
Ayon sa report ng Asia Times, ito na ang “world’s longest and strictest Covid-19 lockdowns“.
READ MORE: Pagbili ng China sa National Grid Corp. ng Pinas, Ayos Lang Kay Duterte
Malaki ang naging epekto sa hanapbuhay ng mga Pilipino
Dagdag pa ng report, mas malaki ang ginawang damage ng lockdown na ito sa kabuhayan ng mga Pilipino. Higit sa isang milyong trabaho ang nakatakdang mawala.
“The lockdown has arguably done more damage to Filipino livelihoods, with more than one million jobs expected to disappear. Emergency rule has also taken a toll on the nation’s standing as democracy, raising questions if curbs on civil liberties will ever be restored.”
– Asia Times
READ MORE: ECQ NO MORE? Mocha at Manager, Nagtawag sa mga Followers na Lusubin ang ABS-CBN Compound
Sinabayan pa ng paghuli sa mga kritiko
Kasabay ng extended lockdown ay ang sunod-sunod na paghuli sa mga kritiko ng administrasyon at pagpapasara ng pinakamalaking independetn media company sa bansa, ang ABS-CBN.
Kulang na #MassTesting
Ayon sa mga eksperto, upang magkaroon ng maayos na assessment, kinakailangan magconduct ng at least 30,000 tests kada araw.
Ayon sa Malacanang, hindi nagampanan ng gobyerno ang target na at least 8,000 tests per day by the end of April.
“Unang una po, hindi ko madidispute na medyo hindi natin nakamit yung goal na by April 30, meron nang 8,000 na daily testing ang DOH [Department of Health], nadelay po tayo,”
– Harry Roque, Presidential Spokesperson
READ MORE: Manager ni Mocha, Lumabag sa ECQ. Bumyahe Papuntang ABS-CBN Para Lang Hamunin si Coco Martin.