Hindi na ma-access ngayon ang pahina sa Guiness World Of Records na nagpapatunay na si Ferdinand E. Marcos ang nagtala sa kasaysayan ng pinakamalaking pagnanakaw sa gobyerno.
Sa isang website na Wayback Machine, makikita pang huling nabuksan ang nawawalang pahina noong miyerkules,Marso 9,2022 sa ganap na 3:39 ng hapon. Marso 10 nang muling subukang i-search ang pahina ngunit ito ay naglabas na ng Error message.
Nang kunan ng pahayag ang Guiness World Of Records kanilang iginiit na kailangan nilang i-check ang records para sa kredibilidad ng organisasyon.
“GWR takes very seriously, now more so than ever, our responsibility to be a source of reliable, accurate information,” sabi ni Amber-Georgina Gill, publishing head ng GWR sa isang e-mail.
Ngunit kahit na nabura man ang pahinang ito na siyang nagpapatunay ng pagiging magnanakaw ng mga Marcos, marami pa ring ebidensya ang nakatala na sa ating kasaysayan.
Taong 2018 nang patawan ng Sandiganbayan si Imelda Marcos, asawa ng diktador na Ferdinand Marcos ng pitong kaso ng graft.
Taong 2020 naman nang mabawi ng PCGC ang 174 biyong ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos habang mayroon pang 125.9 bilyon na hindi pa rin naisasauli hanggang sa ngayon.
Palaisipan sa marami kung bakit sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa naisipan ng GWR busisihin mabuti ang records.
Ito ba’y parte ng propaganda ni Bongbong Marcos o sadyang nagkataon lang?