fbpx

WORKERS NG SEA GAMES PINAGTATANGGAL BAGO PA MATAPOS NG KONTRATA. PHISGOC, INIREREKLAMO

Habang karamihan ay abala na sa paghahanda sa pasko, tila hindi yata magiging Merry ang Christmas ng mga kababayan nating nagtrabaho upang maging successful ang SEA Games.

Ayon sa mga workers ng SEA Games, ang kontrata nila sa PHISGOC ay dapat Dec. 31, 2019 pa matatapos.

Image may contain: text

Ngunit laking gulat nila na sila ay terminated na pala pagkatapos na pagkatapos ng SEA Games.

Nakatanggap sila ng termination letter noong Dec. 16, 2019 na nagsasabi na terminated na sila Dec. 15, 2019 pa lamang.

No photo description available.

Ang malaking katanungan, legal ba ang termination kapag ang notice of termination ay natanggap isang araw matapos ang date of termination?

Ayon sa Labor Code of the Philippines, upang maging legal ang termination, kailangan muna magkaroon ng notice 1 month bago ang termination.

Kung pagbabasehan ang batas, ilegal ang termination ng mga workers ng SEA Games sapagkat sila ay binigyan ng notice of termination isang araw pagkatapos nila materminate unless, mapatunayan ng PHISGOC na nagbigay sila ng notice of termination, 30 days prior.

Naguumapaw naman sa galit ang mga workers ng SEA Games. Ang iba, sa social media nagpahiwatig ng kanilang damdamin.

As of this writing, wala pa ding sagot ang PHISGOC ukol sa reklamo ng mga workers nila.