fbpx

Will Duterte’s Endorsement Make or Break his Chosen Presidential Candidate?

MANILA—Tinalakay ng mga analyst ang mga benepisyo at disadvantage ng isang endorsement mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong darating na halalan.

Ito ay matapos sabihin ni Duterte na pinipili niyang manatiling neutral at hindi mag-eendorso ng sinumang kandidato, maliban kung may mabigat na dahilan para magbago ang isip niya.

Para kay Prof. Dennis Coronacion ng Departamento ng Political Science ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang pag-endorso ni Duterte ay magiging kapaki-pakinabang pa rin para sa sinumang makakuha nito, sa kabila ng pagbaba ng kasikatan ng pangulo.

“I’m inclined to think na ‘yung endorsement ni Pangulong Duterte ay makakatulong pa rin sa kung sino man ang kaniyang i-eendorso…Although bahagyang nakakita tayo ng pagbaba sa mga numbers niya, the president remains popular,” ani niya sa Teleradyo.

Ngunit dahil walang standard bearer ang naghaharing partido, ang PDP-Laban, naniniwala si Coronacion na posibleng hindi talaga susuportahan ni Duterte ang sinumang kandidato sa pagkapangulo.

ANALYSIS: Does Duterte's endorsement still matter? | ABS-CBN News

“This is the first time na makikita natin sa kasaysayan natin na ang ruling party ay hindi nag-field ng standard bearer,”  dagdag pa ni Coronacion.

Para kay Atty. Rogelio Alicor Panao ng Unibersidad ng Pilipinas, ang pag-endorso ni Duterte ay maaari ding ituring na isang “halik ng kamatayan”, at maaaring magdulot ng higit na pinsala kaysa sa kabutihan sa kanyang napiling kandidato.

Sinabi rin ni Panao na ang “divisive policy” ni Duterte ay maaaring gawin laban sa kandidatong ieendorso niya, at sa gayon, maaaring makaapekto sa kanilang tsansa na manalo sa halalan.

Maaring nag-iingat din aniya si Duterte sa kanyang pag-endorso na maaari ring kunin laban sa kanya sakaling matalo sa halalan ang kanyang napiling kandidato.

Source: https://news.abs-cbn.com/spotlight/02/09/22/analysis-does-dutertes-endorsement-still-matter