MANILA, Philippines – Ayon sa inilabas na report ng ICC Chief Prosecutor Fatou Bensouda, layon daw ng kanyang opisina na matapos ang Preliminary Examination (PE) sa kaso ng Extra Judicial Killings na naganap at patuloy na nagaganap sa Pilipinas.
READ MORE: ICC warrant of arrest for Duterte may be issued end of 2020
“During 2020, the Office will aim to finalise the preliminary examination (PE) in order to enable the Prosecutor to reach a decision on whether to seek authorisation to open an investigation into the situation in the Philippines.”
– ICC Chief Prosecutor Fatou Bensoud
READ MORE: Mocha, Hindi Kakasuhan ng Malacanang Kahit na Lumabag sa ECQ Rules
Dagdag pa ni Bensouda, nakatutok ang ICC investigation kay Pangulong Duterte kasama ang kanyang mga opisyales dahil they “actively promoted and encouraged the killing of suspected drug users and dealers” without due process.
Layon ng Preliminary Examination na maka-establish ng “reasonable basis” upang tumuloy sa isang comprehensibo at mas malawak na imbestigasyon.
Ano ang kasunod?
Base sa mga ebidensya na makakalap ng Preliminary Examination, magdedesisyon ang ICC kung magpoproceed sa Preliminary Investigation.
Kapag sinimulan ang Preliminary Investigation, maaari nang mag issue ng warrant of arrest ang ICC laban sa mga suspects.
READ MORE: Pagkalat ng COVID-19, Isinisi ng Gobyerno sa mga Pilipinong Lumalabas
Secret Warrant of Arrest
Maaaring mag-issue ng “sealed warrant” ang ICC upang masiguro ang mabilis na pag-aresto sa suspect.
Maaari ding summons lamang ang ilabas ng ICC kung pupunta sa korte voluntarily ang suspect. Ngunit maaari pa ring bawasan ang kalayaan ng suspect na tumanggap ng summons.
READ MORE: Mga Bangkay, Nagkalat na sa Hallway ng East Ave Hospital – Spokesperson
Ano ang mangyayari kapag nagkaroon ng warrant of arrest si Duterte?
Kung maglalabas ng warrant of arrest kay Duterte kasama ang kanyang mga opisyales, maaari silang arestuhin sa kahit anong bansa na pumirma sa Rome Statute.
Ibig sabihin, 118 out of 195 na bansa ang pwedeng umaresto sa kanila.
Tulad na lang ng naging kaso ng former Sudanese President Omar Al-Bashir.
Kinasuhan si Al-Bashir sa ICC dahil sa maraming pagpatay na ginawa nya sa kanyang mga nasasakupan.
Nang magtungo sya sa South Africa noong 2015, nagmadali syang umalis at bumalik sa Sudan dahil nagfile ng enforcement of warrant of arrest ang mga human rights group sa Africa.
READ MORE: DENR, Pinagbawalan ang Lahat ng Empleyado na Magpost ng Negatibo Tungkol sa Gobyerno.