fbpx

Wala Nang Travel Ban sa Mainland China – DFA

MANILA, Philippines – Maaari na ulit magtravel sa Mainland China maliban sa probinsiya na pinanggalingan ng COVID-19, ang Hubei Province.

READ MORE: Flights Galing China, Patuloy ang Pagpasok sa Pinas

Base sa anunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinanggal ang ban noon pang March 12, 2020 base sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF).

READ MORE: Health Budget, Tinapyasan ni Duterte P10 Billion

Ngunit paglilinaw ng DFA, hindi lahat ay kasali sa lifting ng travel ban. Ang mga pwede lamang bumyahe papuntang China ay:

  • Mga pabalik na OFWs na may valid visas o yung mga merong work permits, employment certificate at iba pang relevant documents;
  • Mga Pinoy na may permanent resident visas; at,
  • Mga Government Officials na pupunta sa China on “official duty”.

READ MORE: VP Leni, Nakakalap ng Higit P12 Million Para sa Mga Health Workers

READ MORE: Mga POGO, Exempted sa Lockdown – PAGCOR