fbpx

“Wala na Tayong Pera…Pero” Duterte, Magbabayad ng Bilyon sa Blacklisted Chinese Firm Upang Gawin ang Sangley Airport.

MANILA, Philippines – Ilang beses na sinabi ni Pangulong Duterte na wala na, ubos na ang pera ng gobyerno ng Pilipinas dahil sa COVID-19.

Ito daw ang dahilan kaya hindi nakapagpatupad ng mga importanteng programa tulad ng Mass Testing na gagabay sana sa COVID response ng gobyerno na kasalukuyang kalat-kalat pa rin.

READ MORE: Milyon-Milyong Donasyon Para sa Marawi, P10,000 Lang ang Nirelease ng Duterte Admin. Isang Tao Lang ang Nakatanggap – COA

Ang pagtigil ng “Build, Build, Build”.

Ayon sa mga sources, maraming local contractors ang nagrereklamo sapagkat ipinatigil ang mga construction sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas kahit naibigay na sa kanila ang kontrata. Karamihan daw ay ipinapabalik ang pera sa national government.

READ MORE: Duterte, Matagal Nang Alam ang Mindanao Group PhilHealth Mafia – Whistleblower

Ngunit marami ang nagtaas ng kilay dahil sa kabila na wala na daw pera ang national government, bakit itutuloy pa din ang 208-billion peso project ng construction ng Sangley Airport?

At gagawin pa ito sa panahon ng COVID kung kelan, wala naman halos flights?

READ MORE: Gordon, PH Red Cross, Kasali sa Kumubra sa PhilHealth IRM Funds – Whistleblower

Chinese Firm na nagtambak sa WPS

Ang masakit pa, ang makikinabang dito ay walang iba kundi ang China Communications Construction Co. (CCCC)

Matatandaan na ang CCCC ang isa sa mga gumawa ng mga illegal na artificial islands sa West Philippine Sea. Sila din ang nagtayo ng mga illegal na istraktura sa dagat na pag-aari ng Pilipinas.

Ninakaw na nga ng mga Intsik ang WPS, babayaran pa natin sila ng 208 BILLION para itayo ang proyektong hindi naman agad mapapakinabangan sa panahon ng pandemya na sila din ang may dala.

READ MORE: Chinese Firm na Nagtambak sa WPS, Babayaran ng Ilang Bilyong Piso ng Gobyerno Upang Ayusin ang Sangley Point sa Cavite



Comments

Comments are closed.