QUEZON CITY, Philippines – Nang pumutok ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa bansa, agad na nagallocate ng budget ang Office of the Vice President (OVP) upang makatulong sa ating mga health workers at mga ospital. Sigurado kasi na sila ang pinaka mahihirapan sa pagdagsa ng mga may sakit at posibleng may sakit dahil sa Corona Virus.
READ MORE: Health Budget, Tinapyasan ni Duterte P10 Billion
Ang OVP ang isa sa may pinakamababang budget na government agency. Kaya hindi naging madali ang paghahanap ng pondo. Sa kabila nito, nakapagallocate pa rin ng P5.9 million ang Office of the Vice President mula sa kakarampot nilang budget. Ngunit alam nila na kulang pa ito.
READ MORE: Duterte to Pinoys: Foster Stronger Bond With Chinese
Kaya naman gumawa ng channel for donation ang OVP.
Sa tulong ng mga private sector partners, nakakalap ng higit sa P6.4 million na donasyon ang OVP sa loob lamang ng ilang araw.
READ MORE: Mga POGO, Exempted sa Lockdown – PAGCOR
Sisimulan na ngayong araw, March 16, 2020, ang distribution ng Personal Protective Equipment (PPE) Daily Sets para sa mga health workers. Ito ay magagamit ng 1000 na health workers. Pauna pa lang ito. Mas marami pa ang madidistribute sa mga susunod na araw.
READ MORE: SOCIAL DISTANCING? Bong Go, Nagsagawa ng Malaking Pagtitipon sa Butuan sa Kabila ng COVID-19
Para sa mga nais magdonate, pumunta lamang sa link na ito: bit.ly/forCOVID19frontliners.