fbpx

VP Leni, Nagpadala ng Mga Libreng Bus Para sa mga Stranded Health Workers

MANILA, Philippines – Katulong ang pribadong sektor, nagbigay ng mga libreng sakay ang Office of the Vice President para sa mga stranded health workers sa Metro Manila at mga karatig lugar.

READ MORE: VP Leni, Nakakalap ng Higit P12 Million Para sa Mga Health Workers

Image may contain: sky and outdoor

Magigiting na health workers!

Kumalat sa social media kahapon ang mga istorya ng mga health workers na ilang oras naglakad dahil wala nang public transport at hindi na din pinapadaan ang mga pribadong sasakyan. Inihinto lahat ng byahe ng public utility vehicles dahil sa ipinapatupad na “enhanced quarantine” sa Metro Manila at karatig lugar.

READ MORE: Health Budget, Tinapyasan ni Duterte P10 Billion

Sa kabila nito, pinilit pa din ng mga magigiting nating health workers na makapasok sa trabaho at makatulong sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID-19.

β€œHalos pilay na po ang medical staff. Hindi naman kami against sa quarantine pero ang gusto lang namin ay tamang transportasyon para sa aming Healthcare workers,”
– Trishka Mariano, isa sa mga stranded na Health Workers kahapon.

May istorya pa ng isang duktor na dahil hindi makadaan sa checkpoint sa Cainta ay naglakad nalang patungong Pasig.

READ MORE: Doktor Galing Cainta, Hindi Makadaan sa Checkpoint. Naglakad Hanggang Pasig.

Agad namang umaksyon ang tanggapan ng pangalawang pangulo. Matapos tawagan ang mga partners sa pribadong sektor, naikasa ang libreng sakay para sa mga stranded commuters.

Image may contain: one or more people, people standing, screen and indoor
VP Leni sa command center ng Office of the Vice president

READ MORE: Mga POGO, Exempted sa Lockdown – PAGCOR

Mga magigiting na health workers na sinisiguro ang ligtas na pagsakay ng mga pasahero sa bus.
Image may contain: one or more people, people standing and outdoor
Bago sumakay ay nagkakaroon ng temperature check at disinfection.
Image may contain: one or more people

ROUTES:

πŸ“ RITM Alabang β€” Magallanes SLEX MRT (via OsmeΓ±a Highway, via Quirino Ave.) β€” Taft Ave. LRT β€” PGH / UP-NIH β€” Lawton LRT β€” Carriedo LRT β€” Recto LRT β€” Tayuman LRT β€” Jose Reyes Memorial Medical Center

ROUTE 2:
πŸ“ Heritage Hotel EDSA ext (via Roxas Blvd., via Quirino Ave.) β€” Taft Ave. LRT β€” PGH / UP-NIH β€” Manila City Hall (via Quiapo) β€” UST Hospital β€” UDMC (via Welcome Rotonda, via Quezon Ave.) β€” Phil. Orthopedic Center (Banawe, via Araneta Ave. β€” EDSA Quezon Ave. MRT

ROUTE 3:
πŸ“ SM MOA Globe EDSA β€” EDSA Taft LRT / MRT β€” Magallanes MRT β€” Guadalupe MRT β€” Shaw MRT β€” Cubao MRT / LRT2 (via Aurora Blvd., via C5 ext.) β€” QMMC (via C5 / Marcos Highway) β€” Santolan LRT2 β€” Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta

ROUTE 4:
πŸ“ EDSA ext. / Macapagal Ave. β€” EDSA Taft LRT / MRT β€” Magallanes MRT β€” Shaw MRT β€” Cubao MRT / LRT2 β€” East Ave. Medical Center β€” Phil. Heart Center β€” Lung Center of the Phils. (via Quezon Memorial Circle) β€” VMMC (via EDSA) β€” Monumento LRT

ROUTE 5:
πŸ“ SM Fairview (via Commonwealth Ave, via Quezon Memorial Circle) β€” East Ave. Medical Center β€” Phil. Heart Center β€” Lung Center of the Phils. (via Agham Road, via Quezon Ave.) β€” Phil. Orthopedic Center β€” UDMC (Welcome Rotonda, via EspaΓ±a) β€” UST Hospital β€” Lawton LRT

ROUTE 6:
πŸ“ Balintawak LRT β€” Quezon Ave. MRT β€” GMA – Kamuning MRT β€” Cubao MRT β€” Santolan–Annapolis MRT β€” Ortigas MRT β€” EDSA cor. Kalayaan Ave. β€” Ayala MRT β€” Magallanes MRT β€” Heritage Hotel EDSA ext.

Mga dapat tandaan:

Q: Sino ang puwedeng sumakay?
A: Mga hospital workers
Q: Ano ang kailangan para makasakay?
A: Valid ID mula sa mga kinauukulang ospital
Q: Ano ang magiging patakaran sa mismong shuttle?
A: Bago sumakay, dadaan muna sa temperature check, pagdi-disinfect ng kamay gamit ang alcohol, at magsusulat sa logbook. Oobserbahan ang social distancing measures sa pag-upo sa bus.

READ MORE: SOCIAL DISTANCING? Bong Go, Nagsagawa ng Malaking Pagtitipon sa Butuan sa Kabila ng COVID-19

Ang Office of the Vice President ang isa sa may pinakamaliit na budget sa lahat ng ahensya ng Gobyerno.