fbpx

VP Leni, Isinusulong ang Tax Incentives at Stimulus Package Para Makabangon ang mga Negosyo

MANILA, Philippines – Sa kanyang paglalahad ng plano para matugunan ang COVID crisis sa Pilipinas, isinulong ni Vice President Leni Robredo ang pagbibigay ng tax incentives pati na ang pagbuo ng stimulus package upang makabangon ang mga negosyong tinamaan ng pandemya.

READ MORE: Milyon-Milyong Donasyon Para sa Marawi, P10,000 Lang ang Nirelease ng Duterte Admin. Isang Tao Lang ang Nakatanggap – COA

Ito ang parte ng naging pahayag ng Pangalawang Pangulo:

Una sa mga hakbang na maaaring gawin para dito ang pagsasabatas ng stimulus package sa lalong madaling panahon. Minumungkahi ng Pamahalaan na ipasa ang CREATE Bill para ibaba ang buwis ng iba’t ibang kumpanya, para maengganyo ang investors na pumasok sa Pilipinas. Magandang layunin ito, pero hindi ito sapat.

Nailatag na naman ng mga ekspertong ekonomista sa Kamara sa anyo ng ARISE Bill. Kung maisasabatas ito, magkakaroon ng dagdag at tiyak na pondo para sa mga mga programa tulad ng wage subsidies ng DOLE at cash-for-work ng TUPAD. Malinaw na mas nakatuon sa pinaka nangangailangan ang ARISE; mas inclusive ito, at mas pro-poor. Gamitin sana ang puwersa ng mayorya upang ipasa ang batas sa lalong madaling panahon.

Ayuda sa mga negosyo, naging matagumpay sa ibang bansa

Malaking dagok ang dala ng pandemya sa mga negosyo lalo na sa mga small and medium enterprises (SMEs). Kung makikita ang ginawa ng ibang bansa, mas inuna nilang bigyan ng ayuda ang mga negosyo upang hindi sila magsara at patuloy ang sweldo ng mga tao kahit may pandemya.

READ MORE: VP Leni: “Hindi Inutil ang mga Pilipino”

Pero sa Pilipinas…

Sa Pilipinas, naman, hanggang ngayon, kahit konkretong plano para sa mga negosyo, wala pa din mailahad ang Duterte admin.

Nangako ang DOLE ng cash assistance para sa mga pasweldo sa mga empleyado ngunit reklamo ng mga business owners, matapos sila ipasubmit ng mga dokumento, sinabihan lang sila na ubos na ang pondo.

Ayon sa data ng Department of Trade and Industry, 26% na ng negosyo sa Pilipinas ang nagsara bunsod ng pandemya. Ito ay dahil na din sa kawalan ng suporta mula sa gobyerno.

Ito ay sa kabila ng paglobo ng utang ng Pilipinas na umabot na sa PHP 9 Trillion nitong Hunyo.

READ MORE: Palit Oligarchs? Duterte, Gustong Mas Payamanin ang mga Kaibigan

https://www.facebook.com/BantayNakawCoalition/photos/a.1880594232217762/2737849833158860/?type=3&av=1880519478891904&eav=AfbHt8Z9R7QtBo7uogVsAUktuFPjSfP72aPV31I1VZMivtvRr7ED6C9ELooVY3-aWHQAdlPJnK7S8hMlbTskK2Vu&theater

READ MORE: BIR, Binura ang Provision na Sumisingil ng Withholding Tax sa mga POGO Chinese