MANILA, Philippines – Kung maaalala sa simula palang ng kanyang pag upo bilang bise presidente sinabi na ni Leni Robredo na handa siya pamunuan ang pagkakaisa ng iba’t-ibang grupo ng oposisyon.
Sinabi ni Robredo na tungkulin niyang pagkaisahin ang ibat-ibang tinig sa inaasahang koalisyon ng oposisyon.
“`Pag pinag-usapan natin ang unity, hindi `yung unity ng pareho lang na paniniwala. Pero pagbibigay ng espasyo para sa iba na iba ang paniniwala sa atin,” ayon kay Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.
Aniya, dapat laging bukas para pakinggan ang iba.
“Kasi kung sarado tayo, walang mangyayari,” ani Robredo.
Nananatili naman ang layunin ng partido sa 2022 elections na lumaki ang opposition coalition na hahamin sa administrasyon.
Sa pang gigigpit umano na nangyayari ngayon sa mga nasa oposisyon, hindi sana umano ito maging dahilan para matakot ang ating mga kababayan, bagkus sana maging dahilan ito para mas magkaisa tayo.
Ang kapangyarihan umano ng pamahalaan ay dapat gamitin sa paggawa ng mabuti, pagtulong sa mamamayan imbes na pagpapatahimik sa oposisyon.
READ MORE: https://bantaynakaw.com/saln-ni-duterte-ayaw-ilabas-ng-ombudsman/