Hindi haharapin ni Bongbong Marcos ang hamon ni Robredo sa isang one-on-one debate, iyan ang tugon ni Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.
Ayon kay Rodriguez magkakaiba ng paraan ang mga presidential candidates sa pakikipagtalastasan sa mga Pilipino. Nauunawaan din nito ang pagkadismaya ni Robredo na hindi makaharap sa isang debate si Marcos.
Sa kalgitnaan ng kanyang pahayag tinira naman ni Rodriguez ang dilawan nang paghambingin ang paraan ng kanilang pangangampanya.Tinawag niyang mga sinungaling ang partido ni Robredo.
“Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng Uniteam ni Bongbong Marcos.At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakaisa.Pawan mga negatibo,panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng diliwan,” pahayag pa ni Rodriguez.
Sa kabila ng mga kritisismo sa kampo ni Marcos, mananarili pa rin daw ang “positive campaigning” ng partido.