MANILA, Philippines —Nagbunyi ang Amerika sa pagkapanalo ni Joe Biden kamakailan bilang ika-46 na presidente ng Estados Unidos. Nasungkit niya ang higit 270 electoral votes ng estado laban kay Donald Trump.
Sa edad na 77, si Biden ang magiging pinakamatandang presidente sa kasaysayan ng Amerika —na kilalang beterano sa mundo ng politika.
Nagsilbi nang 35 taon si Biden bilang senador ng Delaware bago maging vice president ni Barack Obama nang 2 termino mula 2008 hanggang 2016.
Binati naman ang pagkapanalo ni Biden at ng kaniyang bise presidente na si Kamala Harris ng anak ng diktador na si Bong-bong Marcos.
Kung maaalala, isa si Biden sa mga naging daan upang mapalaya ang Pilipinas sa ilalim ng diktaturyang Marcos. Isa siya sa mga mambabatas na nakiisa upang mapabagsak ang diktador.
Si Biden ang isa sa mga sumulong at pumwersa kay Raegan para i-withdraw ang suporta ng U.S. sa diktador. “I don’t think the President would have abandoned Marcos without pressure from Congress,” sabi ni Biden noon.
READ MORE: Kompensasyon Para sa Libo-libong Biktima ng mga Marcos, Isinusulong
Pangako naman ni Biden sa Pilipinas na lalong nitong pagtitibayin ang relasyon ng Pilipinas at Amerika dahil sa pagpapahalaga rin nito sa demokrasya.
Nag-abot rin ng pagbati ang si Vice President Leni Robredo. Ayon sa kanya, ang halalan sa Amerika ay patunay na pareho ng prinsipyo ng United States at Pilipinas pagdating sa demokrasya, karapatang-pantao at pagbubuklod.
READ MORE: VP Leni, Nanguna sa mga Presidential Surveys na Ginawa ng mga Duterte at Marcos Supporters