fbpx

Tugade to Commuters: “Lahat tayo may moments of discomfort”

MANILA, Philippines – Matapos umani ng batikos dahil sa palpak na sistema ng public transportation ngayong General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila, nagbigay ng kanyang panig si Transportation Secretary Arthur Tugade.

READ MORE: Gobyerno: “Hindi Kami Nangako ng Public Transport Ngayong GCQ”

Napakadaming commuters ang nastranded at nahihirapang makapunta sa kani-kanilang mga tranaho dahil sa kakulangan ng pinayagang public transportation ngayong GCQ.

Ayon kay Sec. Tugade, hindi nila hinahayaan ang mga ordinaryong manggagawa. Sinabi pa nya napare-pareho lang tayong nahihirapan ngayong panahon na ito.

READ MORE: AYAW NA MAGBIGAY NG AYUDA? Gobyerno, Pinilit Mag-GCQ Kahit Hindi Handa.

‘Sinasakripisyo ba ho natin ang mga manggagawa? Hindi po. Lahat po tayo dito sa panahon na ito ay may tama, may inconvenience, may moments of discomfort,’ ayon kay Sec. Tugade.

Dagdag pa nya, hindi daw totoo na wala silang plano. Sa katunayan daw sa pag-implement daw ng plano na to ay may mga taong mai-inconvenienced.

“Ang pakiusap ko lang ay magkapit-bisig tayo at intindihin natin ‘yung estado ng sitwasyon pagka’t itong inconvenience na ‘to sa aking pananaw at sa aking paniniwala ay temporary lamang,”  hiling ni Tugade.

READ MORE: World’s Longest Lockdown, Naitala ng Pilipinas. Kulang Pa Din ng #MassTesting