fbpx

Tolentino, Hinaharang ang COA Investigation sa Liquidations ni EJ Obiena – Source

Ibinulgar ng dalawang sources mula mismo sa loob ng Commission on Audit (COA) na may mga makakapangyarihang tao ang kasalukuyang humaharang sa nakatakdang imbestigasyon ng mga liquidations ni Pole Vaulter EJ Obiena. Matatandaan na nagka-isyu si Obiena matapos magkaroon ng kwestiyon sa kanyang pagliquidate ng pondo na ibinigay sa kanya ng gobyerno.

Tumanggap ng higit sa Php 13 milyon si Obiena mula sa gobyerno bilang budget para sa kanyang training sa Europa. Ayon sa COA, kinakailangan nya itong i-liquidate batay na din sa governing rules and procedures.

EJ Obiena ends Olympic pole vaulting stint - Daily Guardian

Ngunit Setyembre noong nakaraang taon, pumutok ang balita na nahuli umano si Obiena sa hindi paggastos ng tama sa naturang pera. Karugtong pa nito ang pagpasa umano ng mga pekeng dokumento sa kanyang liquidation.

Base na din sa protocol, ikinasa ng COA ang isang ‘Special Audit’ upang makita kung meron nga bang nangyaring anomalya sa paggastos ni EJ Obiena ng pera ng taumbayan.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din gumugulong ang nasabing special audit na sasagot sana sa maraming katanungan. Matagal nang naipasa ang mga dokumento sa COA ngunit hindi pa rin ito nabibigyang pansin ayon mismo sa mga sources sa loob.

Kinakailangan umano ng office order para gumulong ang isang special audit. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring commissioner ang nagbibigay ng nasabing order.

Bulgar ng dalawang sources, may mga tao umano mula sa kampo ni Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino ang naglo-lobby upang hindi masimulan ang COA investigation.

Tolentino ready to explain – Daily Tribune

Dagdag pa nila, maraming maaaring mabulgar kapag gumulong ang special audit. Hindi lang isyu ni Obiena ang maaaring makita kundi posibleng lumabas din ang matagal nang mga milagrong ginagawa ng mga opisyales na nangangasiwa ng Philippine sports.

Matatandaan na nadawit din si Bambol Tolentino sa kaldero isyu kasama sila Allan Cayetano sa nakalipas na SEA Games na ginawa sa Clark, Pampanga. Sya din ay kapatid ni Senator Francis Tolentino.