fbpx

Ang Tinapay na Kung Tawagin ay Nutribun

Isa sa mga pinagmamalaki ng mga Marcos supporters tungkol sa termino ng Diktador ay ang tinapay na kung tawagin ay Nutribun.

Sino nga ba ang makakalimot sa masarap at masustansiyang tinapay na kung tawagin ay Nutribun?

Tanungin nyo ang nanay at tatay nyo o ang lolo at lola ninyo, pihadong alam at kilala nila ang lasa ng tinapay na kung tawagin ay Nutribun.

Bakit ba makakalimutan ng mga Pilipino ang Nutribun? Halos lahat ng estudyante sa mga pampublikong paaralan noong panahong iyon ay nakatikim ng masustansiyang tinapay na kung tawagin ay Nutribun.

Image Courtesy of PhilStar Global

Ngunit ano nga ba ang Nutribun?

Ang Nutribun ay ginawa sa US noong 1970 upang gawing pangtulong sa mga nangangailangang bansa.

Teka, diba sinasabi nila na proyekto ni Marcos ang tinapay na kung tawagin ay Nutribun?

Mali! Ang Nutribun ay mula sa USAID na proyekyo ng Estados Unidos na pinamimigay sa mga tao ng mga naghihirap na bansa.

Totoong malaki ang naging kontribusyon ng mga Marcoses sa tinapay na kung tawagin ay Nutribun. Pinahirap nila ng husto ang Pilipinas. Dahil dito, dumami ang batang may malnutrisyon kaya nag-qualify ang Pilipinas sa Nutribun Program ng US.

Kapag binigyan ng US ng tinapay na kung tawagin ay Nutribun ang isang bansa, ibig sabihin, talamak ang malnutrisyon sa bansang ito.

Tanong lang: Bakit may malnutrisyon sa Marcos era na kung tawagin ay “Golden Years”?

Bongbong, pakisagot.

 

Image from PhilStar Global

Ayon kay Nancy Dammann, media adviser ng USAID, isang napakalaking pagtataksil ang ginawa ng mga Marcoses noong binigay ng US ang Nutribun sa Pilipinas.

Pinatatakan umano ni Imelda Marcos ang mga Nutribun ng mga salitang “Courtesy of Imelda Marcos”. (Basahin ang Memoir na inilabas noong 2013)

 

Si Nutribun at si Marcos

Ang paggamit nila Marcos sa tinapay na kung tawagin ay Nutribun ay magandang representante ng paggamit nya ng kanyang kapangyarihan noong siya ay Diktador pa. Pantakip sa bansang puno ng kahirapan, malnutrisyon dahil sa pagnanakaw at higit sa lahat – KASINUNGALINGAN.