MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagkukulang ng face masks sa Pinas dahil sa nagkasunod na Taal Volcano eruption at Novel Corona Virus, walang pakundangang pinayagan pa rin ang shipment ng 3.16 million face masks mula sa Pilipinas patungong Wuhan, China.
Pinapakyaw ng China
Imbis na pangunahan ng Administrasyong Duterte ang pag-import at pag-imbak ng face masks, hindi pa din ito gumagawa ng polisiya upang pigilan ang pag pakyaw ng Chinese Government sa mga natitirang face masks sa bansa.
Meron na tuloy supply deficit o ang pagkukulang ng supply ng face masks sa bansa ngayon. Makikita ito sa pagtaas ng presyo ng bawat face mask.
Kasabay pa ito ng patuloy na pagpapapasok ng Administrasyong Duterte ng mga Mainland Chinese sa bansa sa kabila ng babala na baka hindi na makontrol ang pagkalat ng sakit na Novel Corona Virus.
Habang malayang nakakapasok ang mga Chinese mula sa Mainland China, ang mga Pilipino naman na galing sa nasabing bansa ay kailangang dumaan sa 14-day quarantine.
Ganito ang mangyayari kapag ang Pangulo ay mas iniisip ang kapakanan ng ibang lahi kesa sa kapakanan ng mga Pilipino.
#BantayNakaw
Comments
Comments are closed.
Well, si presidente ay merong commitment sa Tsina, wala sa mga Pilipino. Di ba nasabi niya noong bago pa siya sa puwesto na siya ay Intsik din?