fbpx

Tagu-taguan, paboritong laro nga ba ni BBM?

Tinawagan ng pansin ni Erin Tanada, senatorial campaign manager ng Team Robredo-Pangilinan ang pananadya ni Marcos na huwag siputin ang mahahalagang pagtitipon tulad ng forums at debates.

Binansagan niya ng Hide-and-seek ang gawaing ito ni Marcos sapagkat lagi itong nawawala sa mga harapan at tapatan. “The presidency is not a game of hide-and-seek,” paalala ni Tanada.

“If what drives Marcos to go back to Malacañang is to relive the ‘taguan’ game in the house of his youth, naku delikado ang bayan dyan [the nation will be in danger for that],” dagdag pa niya

Nagbabala rin si Tanada na kung mananalo si Marcos ay baka masanay ito sa cancel culture.

“Ngayon debate at rallies lang ang kanyang kina-cancel, kung bibigyan yan ng pagkakataon, ang ika-cancel nya ang asenso ng bansa, ika-cancel niya ang ating COVID recovery, kanselado ang ating pag-unlad.” 

Samantala, tinukoy din niya na isa sa dahilan kung bakit marami ang dumadalo sa mga rallies ni Robredo ay dahil sa presensya nito sa lahat ng bagay.

“The difference between VP Leni, who has a disciplined work ethic, and Marcos is that Leni will show up while people will be stood up by Marcos.”