fbpx

Siyam na dahilan upang hindi iluklok si Bongbong Marcos sa pagka-pangulo

Tulad ng ibang kandidato sa national positions, ipinamumukha ni Ferdinand “Bongbong Marcos” Jr. na siya ay kakampi ng mga magsasakang Pilipino.

Ito ay makikita sa kanyang pangako na bubuwagin ang Rice Liberation Law o RLL nagbibigay pahintulot sa mga kapitalista na mag-import at mag-export ng bigas sa loob at labas ng bansa nang walang restriksyon. 

Ang nasabing pangako ay itinuturing na mapangahas lalo na sa isang kandidato na walang direktang rekord ng pagtulong sa sektor ng agrikultura at may mga hakbangin na nagpahirap sa mga magsasaka.

Narito ang siyam na dahilan kung bakit hindi dapat paniwalaan ang mga pangako ni Bongbong Marcos na siya ay kakampi ng mga magsasakang Pilipino:

1. Pinalala ng PD 27 ni Marcos Sr. ang kawalang-lupa ng magbubukid

2. Binangkarote ng Masagana 99 ni Marcos Sr. ang magsasaka

3. Ninakawan ng P150 bilyon ng Coco Levy ni Marcos Sr. ang magniniyog

4. Nagdulot ng taggutom sa Negros ang monopolyo sa asukal sa ilalim ni Marcos Sr.

5. Kinalbo ang walong milyong ektaryang gubat sa ilalim ni Marcos Sr.

6. Minasaker ng mga sundalo ni Marcos Sr. ang magbubukid

7. Inimport ni Imelda Marcos ang pesteng golden kuhol

8. Dinambong ni Imee Marcos ang P66 milyong pondo sa tabako

9. Walang sariling track record ng pagtulong sa magbubukid si Marcos Jr.   

Ilan pa lamang ito sa mga ginawang pagpapahirap ng pamilyang Marcos sa mga magsasaka at paglulubog ng sektor ng agrikultura sa putikan.

Samantalang pinatallsik noon ang ama nito na si Ferdinand Marcos ay unti-unting nanunumbalik ang mga Marcos sa kapangyarihan.

Ang mga nangyari sa kasaysayan ay dapat na mabigyang linaw lalo na sa publiko upang maging gabay sa paghalal ng tamang kandidato.