MANILA, Philippines – Ayon sa higit limang sources sa loob mismo ng kampo ni Bongbong Marcos Jr., nagkakagulo umano ang liderato nila simula pa last week matapos madiskubre na basag na umano ang political structure ng mga Marcoses sa mga critical areas ngayong eleksiyon.
Ang may sala? Isa umanong batikang political operator na kilala lamang sa tawag na “Maestro”. Kasalukuyang hawak umano ni “Maestro” ang isang malawak na grupo ng political operators, PR Agencies at mga generals na nakakalat sa buong Pilipinas.
GULO SA MARCOS CAMP
Ayon sa mga sources, nagsimula umanong matunugan ang sinasabing special operations ng “Maestro” nang madiskubre na mismong mga Mayors sa solid north ang nagpaprint ng sample ballots na hindi kasama si Marcos, Jr. sa listahan.
“Ang natunugan ay may mga generals na tinawagan umano ang mga Mayors. Sinabihan na huwag ilalagay ang pangalan ni BBM sa sample ballot. Binalaan din sila na huwag didiin ng suporta kay BBM.” sabi ng isang source.
“Ang kinakatakot nila, may direct link si Maestro sa US at Israeli intelligence kaya alam nya ang mga galaw at plano ng BBM campaign at kung saang areas ang babasagin. Malawak din ang network of generals na hawak nya.” dagdag ng isa pang source.
Nadiskubre din umano nila na maraming hawak na PR Agencies ang sinasabing maestro at ang mga clients nito ay karamihan ay mga mayors at governors na panig at inaasahan ni Marcos Jr.
“Ang focus of operations nila ay Mindanao saka Central Luzon kung saan expected na malaki ang boto ni BBM.”
Ito din umano ang dahilan kaya dali-dali ang pagpapatawag ni Marcos Jr. sa mga Governors at local officials. Isa umano itong loyalty check at nagbigay din umano ng cash si Marcos Jr.
SINO SI MAESTRO?
Ayon sa mga batikang political operators, 2019 pa lang ay naririnig na nila ang operations ng isang operator na kilala lamang sa tawag na “Maestro”. Malawak ngunit targeted umano ang galaw ng grupo ni Maestro at mahirap matunugan at matrace.
“Noong 2019, nagfocus sila sa pagpapanalo ng mga mayors at congressmen sa mga critical areas. Ito ngayon ang base nila for 2022 elections. Wala silang hinawakan na national candidates noong 2019.”
“Yung mga officials na yun, hawak nila sa leeg. Lahat din ng mga yun, pinagdeklara ng suporta kay BBM pero sa election day, hindi si BBM ang dadalhin. Sa Mindanao area, marami silang hawak na parehas na magkakalaban” ani ng isang may-ari ng isang PR group na pamilyar sa mga nangyayari.
“Ang usap-usapan, bata pa yan si Maestro. Magaling sa analytics saka sa technology. Well connected din” dagdag pa ng source.
“Pati kampo ni BBM, infiltrated na din ng mga tao ni Maestro.”
HANAPIN SI MAESTRO
May command na daw na hanapin si Maestro pati na ang mga tao nya na nakalubog sa mga critical areas. Tuloy-tuloy din umano ang loyalty check ni Marcos Jr., sa mga mayors, congressmen at mga governors.
Pati umano ang kampo ni Sara Duterte ay pinagbibintangang hawak din ni Maestro at gagamitin ding pambasag ng boto ni BBM.
“Pinapagalaw na ngayon yung mga IT hackers nila BBM para itrace kung sino ba talaga si Maestro.”