Sino nga ba?
Tila nakakabit na ang pangalan at mga isyu ng Hacienda Luisita sa pangalan nila Cory at Noynoy Aquino.
Bakit nga ba hindi? Eh mga Cojuangco sila. Kamag-anak ni Danding Cojuangco, isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang negosyante sa Pilipinas.
Siya din ang may-ari ng Hacienda Luisita.
Ang Hacienda Luisita ay kabilang sa mga assets ng family corporation ng mga Cojuangco kung saan majority stockholder si Danding.
Napakaliit ng shares ng Hacienda Luisita ang hawak nila Noynoy. (BASAHIN: http://newsinfo.inquirer.net/22135/president-aquino-out-of-luisita%E2%80%93palace)
Ibig sabihin ba nito ay si Danding Cojuangco ang tunay na may-ari?
Pwede ngunit may malaking NGUNIT.
Tayo’y magbalik tanaw muna sa panahon ng Diktador.
Matatandaan na si Danding Cojuangco ang isa sa pinakamalaking crony ni Ferdinand Marcos. Crony meaning mga tagahawak ng “business interests” ng Diktador.
Kung ganun, may koneksiyon at interest ba si Ferdinand Marcos sa Hacienda Luisita na isa sa pinakamalaking producer ng asukal?
Tingan natin ang mga nangyari dati.
Basahin ang sinulat ni Nick Davies ng The Guardian:
“When he (Ferdinand Marcos) wanted to take over the sugar industry, he set up companies and then issued decrees that allowed them to dominate the planting, milling and international marketing of Philippine sugar, which accounted for 27% of export earnings. He then created a Philippine Exchange Company, decreed it should handle all foreign sugar sales and used its monopoly position to buy from farmers at rock-bottom prices and sell at vast profit. This allowed him to buy Northern Lines, which had the contract to ship the sugar overseas. Finally, he decreed that the sugar industry be exempt from minimum-wage law, with the result that 500,000 labourers saw their income fall to less than $1 a day, making even more profit.” (FULL ARTICLE: https://www.theguardian.com/world/2016/may/07/10bn-dollar-question-marcos-millions-nick-davies)
Monopoly. Binigyan ni Ferdinand Marcos ng monopoly sa asukal ang kanyang mga crony. At ang pinakamalaki dito ay si Danding Cojuangco.
Muli, may koneksiyon at interest ba si Ferdinand Marcos sa Hacienda Luisita na isa sa pinakamalaking producer ng asukal?
Sino ang TUNAY na may-ari ng Hacienda Luisita?
Connect the dots.