fbpx

SILA PA ANG MAY GANA MAGKASO! Political Dynasty ng Bohol na Violator ng Environment Law, Talo sa Kaso!

TAGBILARAN, Bohol – Kahit gaano pa man kadami ang pera, impluwensya at kapangyarihan, tila lahat ay may hangganan. Mukhang ito ang dahan-dahan na nararamdaman ng isang maimpluwensyang political dynasty na ilang dekada nang naghahari sa Bohol.

Akin ang dagat! Mayor na Number One Environment Violator

Nagsimula ang isyu nang ang JGY Land Corporation ay nagtayo ng mga illegal na istraktura sa tabing dagat ng Momo Beach na kaharap ng kanilang resort. Ang JGY Land Corporation ay pagmamay-ari nila John “Baba” Yap ang dating Mayor ng Tagbilaran City. Sya din ang asawa ng kasalukuyang Mayor.

At hindi pa sila natinag. Nagpatayo pa sila ng mataas na bakod upang hindi na makadaan ang mga residente ng Bil-isan sa dalampasigan na isang public property.

Former Mayor Baba Yap at ang kanyang asawa, current Mayor Jane Yap

Ayon sa Water Code at lokal na ordinansya ng Munisipyo ng Panglao, bawal magtayo ng anumang istraktura sa tabing dagat. Nag-issue na din ng Notice of Illegal Construction ang kanilang Building Official.

Paglaban ng mga Barangay Officials

Dahil nga illegal, agad itong sinita ng mga opisyales ng Barangay Bil-isan. Inuna nilang tanggalin ang mga 2×2 na kahoy na nakaharang sa daanan ng mga tao.

Ikinagalit ito nila Mayor. Imbis na sumunod sa batas, sila pa ang may lakas ng loob na kasuhan ang mga Barangay Officials na nagpapatupad lamang ng batas.

“Hindi Kami Makatulog”

Ayon sa Kapitan ng Barangay Bil-isan na si Albert Bompat, ilang linggo nila tiniis ang naturang panghaharass. Hindi din umano sila makatulog dahil hindi nila alam saan kukuha ng panggastos para labanan ang kaso na natanggap nila dahil sa paggawa ng kanilang tungkulin.

Ang mga magigiting na Barangay Officials ng Bil-isan.

Sila ay lumapit at nanghingi ng tulong kay Atty. Jordan Pizarras, isang batikang abogado na taga Bohol. Agad naman silang inengage ni Atty. Pizarras nang walang bayad.

Atty. Jordan Pizarras

COURT RULING

Agad naman umaksyon ang korte. Ayon sa ruling na nilabas ni Judge Barbarona, dapat ang mga may-ari ng JGY Land Corporation na sila Tagbilaran Mayor Jane Yap at ang kanyang asawa na former Mayor Baba Yap ang unang dapat sumunod sa batas at huwag maging violator.

Qualified as Strategic Lawsuit Against Public Participation (“SLAPP”) ang kaso dahil isa itong klarong panghaharass ng mga taong nasa kapangyarihan.

Ayon sa ruling, “the instant case was filed to harass, vex, exert undue pressured or stifle any legal action that any person, institution or government office has taken in the enforcement of environment laws, protection of the environm ent or the assertion of environmental rights.”

As of the publishing of this article, wala pang sagot ang mag-asawang Yap.