MANILA, Philippines — Nauwi sa online protest and dapat sana’y virtual conference na pinangunahan ng Commision on Higher Education – Cordillera matapos nitong imbitahan ang apo ng dating pangulo at diktador na si Sandro Marcos bilang isa sa kanilang tagapagsalita sa kanilang Online Student Congress na may paksang “Redefining the Role of Youth in Nation Building”
Sa kalagitnaan ng pre-recorder speech ni Sandro, bigla umanog nagsipalitan ng username ang mga estudyante at kasama ng binatikos ito ng mga youth representatives na nag zoombomb sa nasabing virtual event.
Nakalagay sa kanilang mga display username ay ang mga hashtag na “#NEVERAGAIN”, “#MARCOSMAGNANAKAW” “#MARCOSDIKTADOR”. Para sa kanila ito umano’y pagpapakita ng pakikiisa sa mga naging biktima ng madugong rehimen ni` Marcos. Protesta rin umano ito ng mga estudyante para sa lantarang hakbang ng mga Marcos na baguhin ang kasaysayan para linisin umano ang kanilang pangalan.
Dismayado naman ang maraming youth representatives sa CHED sa pag imbita nito kay Sandro.
Para sa kanila wala umano itong kredibilidad at karapatan na katawanin ang mga kabataan sa bansa o magbigay ng opinion patungkol sa ‘nation building’
“It’s disappointing that the Commission on Higher Education provided a platform to this junior dictator whose only interest is to rehabilitate their family’s political power” Saad ni Akbayan Youth chairperson RJ Naguit
Dapat umanong manindigan ng mga kabataan sa bansa at huwag hayaang magkaroon ng Marcos ‘comeback’.
“We must exert all means to prevent a Marcos comeback. Nagawa na natin ito noong 2019, wag rin natin hahayaan na makabalik sa 2022! (We did it in 2019, we should not allow them to return in 2022!)” Dagdag pa nito
Hindi umano makakalimutan at mabubura sa kasaysayan ang 70,000 na kataong ikinulong, 34,000 na labis na pinahirapan o tinortyur, at 3,240 na pinatay sa ilalim ng Batas Militar mula 1972 hanggang 1981.
Bumuhos rin ang mga post na kumokondena sa mga Marcos. Hangang ngayon ay trending topic pa rin Twitter ang #MarcosMagnanakaw simula nitong hapon ng Martes.
READ MORE:https://bantaynakaw.com/isko-bong-go-endgame-isinusulong-ni-banayo-source/