MANILA, Philippines — Aprubado na ng Senado ng Estados Unidos ang resolusyon na nagsasaad sa Pangulo ng Amerika na maglagay ng sanctions laban sa mga nagpapatupad at patuloy na sumusuporta sa Tokhang/EJK kasama ang mga nagakusa at nagpakulong kay Sen. Leila De Lima.
Ang Global Magnitsky Act ang naging basehan ng US Senate Resolution No. 142 kung saan maglalagay ng patong-patong na sanctions sa mga opisyales ng gobyerno kasama ang mga pribadong indibidwal na mai-implicate sa human rights abuses.
Kasama sa mga sanctions na ito ang pag-ban sa kanila sa pagpunta sa US at pag-freeze ng mga ari-arian nila sa lahat ng teritoryong kontrolado ng Estados Unidos.
Maraming opisyales ng ating gobyerno ang tatamaan ng nasabing sanctions.
#BantayNakaw