fbpx

SALN ni Duterte, Ayaw Ilabas ng Ombudsman

Will Filipinos see Duterte's SALN? Roque says it's up to the Ombudsman

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Atty. Dino de Leon na binasura ng Office of the Ombudsman and hiling ng ilang mga abogado na maglabas ito ng kopya ng statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) ni President Duterte.

Matatapos na ang termino ng Pangulo ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nito maihayag sa publiko ang 2018-2020 wealth declaration nito.

Giit ni De Leon, malinaw na malinaw sa batas na dapat accessible sa publiko ang SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

Saad niya “Bakit takot na takot sila na ipakita ang SALN ng Pangulo? Kung walang tinatago, wala dapat ikatakot. The law is very clear: the SALN of public officials should be accessible to the public”

Tinukoy naman ng Ombudsman sa hindi nito pagrelease ng nasabing dokumento ang Ombudsman Memorandum Circular No. 1, Series of 2020 na naglilimita sa public access ng SALNs ng presidente, bise presidente at iba pang mga government officials.

Sa kabila rin umano ng hindi mabilang na request sa pamamagitan ng FOI na pinirmahan ni Duterte noong 2016, tablado pa rin at nakapagtatakang ayaw ito ipasilip sa publiko.

Rodrigo Duterte's Battle Against Philippine Institutions | Council on  Foreign Relations

Dagdag pa ng mga abogado, “They weaponized the SALN against Chief Justice Sereno, tapos ayaw nila ilabas yung sa Pangulo?”

Sa kabila umano ng pahayag nito patungkol sa korupsyon at ibang pang inilunsad na anti-corruption drive, bakit hanggang ngayo’y hindi nito maipakita na malinis ang kamay sa kaliwa’t-kanang lantarang katiwaliang nangyayari sa bansa.

Mandatoryo ang pagpapasa ng SALN sa ilalim ng Artikulo XI, Seksiyon 17 ng 1987 Konstitusyon, at Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713, ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” Sa oras na manungkulan ang isang pampublikong opisyal o empleado, kailangan niyang magpasa, sa ilalim ng panunumpa, ng deklarasyon ng kanyang mga pag-aari, liabilidad, at kabuuang yaman, sa sa paraang nakasaad sa batas.

ALSO READ: https://bantaynakaw.com/out-of-touch-duterte-hindi-alam-ang-detalye-ng-pandemya/