Noong 1970, bumisita sina dating pangulong Ferdinand Marcos at kanyang asawa na si Imelda sa bansang Kenya. Dito namasyal sila sa isang safari tulad ng mga ginagawa ng mayayaman.
Maaaring dala ng inggit at pagnanasa , nagpasya si Imelda na dalhin ang mga hayop tulad ng gazelle, giraffe, impala at wild boar sa Pilipinas. Hindi naman ito tinutulan ng kanyang asawa at dali-daling nagbayad ng isang briefcase ng salapi kay David Anthony Parkinson upang mai-transfer ang mga hayop patungong Pilipinas.
Upang maisakatuparan pa ang pangarap na safari, kinakailangan mamili ng isla ni Imelda ng isang isla at iyon ay ang Calauit sa Palawan. Noong 1976, mahigit 254 na pamilyang Tagbanwa ang sapilitang pinaalis sa isla.
Ayon kay Greenfield, direktor ng award-winning na “The Kingmaker” ang safari na iyon ay mas higit na nakakatakot kung iisipin kaysa sa koleksyon ni Imelda ng mga sapatos. Ito ay simbolo umano ng ganid sa kapangyarihan at pagkasuklam sa yaman.
“The shoes were kind of nothing compared to this project which involved living things and human rights, and what ended up being decades of damage from one impulsive idea.”
Hindi na nakakagulat kung bakit hindi ito binanggit sa mga textbooks o media hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ay isa lamang sa mga paraang ng pamilyang Marcos sa pagbaluktot nila ng mga impormasyon.