fbpx

P1.3 Trillion na ang Umiikot na Halaga ng Droga Kada Taon. Kakarampot pa Lang ang Nahuli ng Gobyerno

MANILA – Sa paglabas ni VP Leni ng ICAD report, maraming tumataginting na numero ang nakita ukol sa umiikot na supply ng Droga sa Pilipinas na hindi ipinapahayag ng Gobyerno.

Isa dito ay higit sa 1.3 Trilyong Piso na pala ang umiikot na halaga ng shabu sa bansa kada taon. Ito ay 25 Bilyon kada linggo. Kung ikukumpara, higit sa 1/3 na ito ng ating national budget para sa 2019.

Ngunit ang nahuhuli pa lang ayon sa report na inilabas ng AMLC noong February 2019, halos 1.4 Bilyon pa lang ang nafreez nila na worth of assets na drug-related simula 2017 hanggang 2018.

Ang malaking katanungan, sa higit tatlong taong nakaupo ng Administrasyong Duterte, sa libo-libong pinatay para umano sa Drug War, bakit tila patuloy lang ang supply ng illegal na droga sa bansa. Tila patuloy lang ang ligaya ng mga big time na drug lords?

Ano ang iskor na ibibigay mo sa Drug War ni Duterte?

#BantayNakaw



Comments

  1. Cover-up lang naman ang ginawang solution ng Gobyerno ni Pres DU30 against illegal Drugs. Witness at small time lang ang pinaparusahan at hindi ang mastermind. Ironically kung baga sa punong kahoy na namunga ng nakakalason at marami ng kumain at namatay ang solution ay tinitrim lang ang dahon at bunga. Pero yung puno at ugat ay di pinapansin at pinapabayaan lang lumago. Therefore inaalagan nila at hindi naman tagal sinu-solve. Pag-uto lang sa mga panatikong Pilipino na hindi gumagamit “commonsense” o kaya nakinabang indirectly sa kita ng illegal Drugs.

Comments are closed.