MANILA, Philippines — Tila pinagbiyak na bunga umano si Ferdinand Marcos at Rodrigo Duterte – saad ng isang martial law victim na si Rosales.
Simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, hindi maiwasang ikumpara siya sa pinatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos dahil sa kamay na bakal na pamamalakad. Pati na rin sa kaniyang ontrobersyal na giyera kontra droga hanggang sa mga pag-atake niya sa kanyang mga kritiko.
Nagbigay ng 3 pagkakapareho si Rosales sa dalawa
Una niyang sinabi na pareho umano itong ‘Enemy of oligarchs’
“Pareho sila, sina Marcos at si Duterte na nagpanggap na kaya sila dapat iboto ng tao ay dahil sa sila ang sisira sa oligarkiya, yung mga clan ng mga pamilya, powerful families patronage politics na siyang ginamit para ma-monopolize ng mga lupa, mag-exploit ng mga resources ng mga tao ,” Saad niya
“Yun ang kanilang selling point. They will destroy the oligarchy so that they will be the savior of the nation. Kaya naakit ang mga tao na sumama sa kanila ” dagdag pa niya
Sumunod na pagkakapereho ay ayaw umano nito bumitiw sa puwesto
“Once nasa kapangyarihan na sila, they are both narcissistic. Naniniwala sila na sila ang may kapangyarihan talaga na makakasalba at ayaw na nila umalis sa pwesto”
Sinabi ren niya na pareho umano itong mag 3 G’s guns, goons, and gold
“Si Duterte ganun din ang nangyayari ngayon. Kaya nag-vice president siya para sa ganyan magpapatuloy ang kanyang kapangyarihan. Stratehiya na ginagamit niya with his daughter [Davao City Mayor Sara] Duterte, yan ang pinag-aaralan nila” Saad niya
Ang huli pareho umano silang Korupt “Hindi totoo, fake news yung sinasabi nila na malinis sila at aalisin nila ang katiwalian. Sa totoo lang, puno sila ng katiwalian”
“Marcos really stole from the people, and it institutionalized yung ill-gotten wealth niya
Parehong-pareho umano ang dalawa sa paglabag nila sa mga karapatang pantao, sa pagtrato nila sa midya, at sa pagpabor sa mga kaibigang negosyante