fbpx

Roque, Dudungisan Lang ang Pangalan ng United Nations ILC – FLAG

MANILA, Philippines — Inulan ng kritisismo ang kagustuhan ni spokesperson Harry Roque na maging miyembro ng International Law Commission (ILC), isang advisory body sa United Nations (UN).

Covid-hit Harry Roque slams question on special hospital treatment

Kaliwa’t kanang pambabatikos ang natanggap nito sa iba’t ibang kilalang kritiko at organisayon sa bansa, isa ng nag labas ng birada ang UPD executive committee kung bakit hindi dapat makakuha ng seat sa International Law Commission si Roque dahil sa kanyang “poor track record” sa pagtatanggol ng human rights sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Free Legal Assistance Group (FLAG) para harangin ang kampanya ni Roque na maupo sa ILC. 

“Mr. Roque does not possess the qualifications for a seat at the Commission. While he has degrees in law and has taught Public International Law, he is a political partisan who has actively demonstrated contempt for the rule of law and, with specific relevance to the Commission, had undermined the supremacy of human rights and international law,” ayon sa FLAG.

Roque sorry for blowing top at doctor, but stands by comments | Philstar.com

Dagdag nila, walang integridad si Roque at dudungisan lang nito ang reputasyon ng ILC.

‘Disgrace’ namang tinawag ng mga Abogado sa bansa kung magiging miyembro umano ito ng ILC.

Bagama’t mahaba ang kasaysayan ni Roque sa pagtataguyod ng karapatang pantao, spokesperson siya ngayon ni Duterte — na kilala sa red-tagging ng mga ligal na aktibista, pagsabing dapat “barilin” ang mga ayaw sumunod tuwing quarantine, pag-amin sa “panghihipo” ng kasambahay, at marami pang iba.

Commission told: Harry Roque not fit to join international law body |  Philstar.com

Kung maaalala rin, Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang maging sentro ng kontrobersiya si Roque dahil sa kanyang paninigaw ng mga doktor sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, matapos na manawagan ng huli mas mahihigpit na lockdowns buhat ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

READ MORE: https://bantaynakaw.com/roque-nambastos-ng-mga-doctor-sa-iatf-meeting/