MANILA, PHILIPPINES—Kapag matalo siya sa May 2022 presidential race, handa si Vice-President Leni Robredo na bumalik sa development work at alternative lawyering.
Ipinangalan sa kanyang asawa, ang yumaong Interior secretary, ang Jesse M. Robredo Foundation ay isang non-profit na organisasyon na naglalayong isulong ang serbisyo publiko at mabuting pamamahala pati na rin ang pag-unlad sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na komunidad.
Bago pumasok sa serbisyo publiko, nagtrabaho si Robredo sa Naga City Public Attorney’s Office noong 1996 matapos ang kanyang pag-aaral ng abogasya noong 1992 sa Unibersidad ng Nueva Caceres noong 1992.
Nakapasa siya sa Bar Exams noong 1997 at sumali sa Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal o Saligan (Alternative Legal Assistance Center), isang legal resource NGO na gumagawa ng developmental legal work kasama ang mga magsasaka, manggagawa, maralitang tagalungsod, kababaihan at lokal na komunidad mula 1998 hanggang 2008.
Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa sa isang plane crash noong Agosto 2012, nanalo si Robredo sa isang House seat bago nanalo sa vice presidential race noong 2016.