Kung ang halalan ay gaganapin ngayon, walang ibang mananalo kung hindi si Leni Robredo.
Ito ay ayon sa resulta ng Google Trends na siyang nagsusukat ng popularidad ng isang entity base sa mga “engagement of searches” ng mga end users. Sa madaling salita, nalalaman ng programang ito ang pulso ng mga tao.
Ang impormasyong ito ay mababasa sa isang post ni Justin Michael Beneraba, dating researcher ng Gma. Dito ipinakita niya kung paanong sa huling tatlong halalan mula 2010 ay naging accurate ang data nito sa aktwal na election results. Sa datos noong 2010 ay nanguna si dating pangulong Benigno Aquino at noong 2016 ay nanguna si pangulong Rodrigo Duterte.
Ang google trends ay naiiba sa mga poll surveys dahil ang surveys ay nagpapakita lamang ng pulso ng mga tao sa isang tiyak na panahon at maaari pa itong magbago habang ang Google Trends ay isang analytic na kumokolekta ng data mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Isa lamang ang ibig ipahiwatig nito, malaki ang pagkakataong makamit ni Vice President Robredo ang pagka-pangulo ngayon kung magpapatuloy ang walang sawang pagsuporta ng mga tao.Sa kabila nito hindi dapat magpakampante ang partido lalo na at kilala ang kalaban sa pagpapakalat ng iba’t ibang propaganda.