Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Tsek.ph, si Robredo ang pangunahing biktima ng disinformation habang nakikinabang naman si Bongbong Marcos sa mga mapanlinlang na impormasyon.
Nakapagtala na ng 200 fact checking ang organisasyon simula nung Enero ilang buwan bago ang eleksyon. Ang Tsek.ph ay nakikipagtulungan sa mga media partners sa pagsusuri ng mga fake news simula pa noong 2019.
Ayon kay Yvonne Chua, propesor ng journalism sa University of the Philippines, nakaparaming fake news ang ibinabato kay Robredo habang nakakahimok naman ng taga suporta si Bongbong dahil sa mga misleading posts na ikinakalat ng kanyang kampo.
“Majority of those are directed against presidential candidate and Vice President Leni Robredo. So marami po talaga (there are really many). Every week, she is the biggest victim of disinformation or negative messaging, whether it has to do with the typhoon, with all sorts,” pahayag ni Chua.
“There is also positive messaging and we see substantial or significant volumes of false or misleading claims about presidential candidate Ferdinand Marcos Jr., in which case these are largely positive in his favor, seeking to promote him,” dagdag na nito.
Magkaibang istilo ng paggamit ng fake news ang ginagawa ng mga Marcos.Una ay upang siraan ang kalaban nito na si Robredo at ikalawa ay upang pabanguhin ang kanyang pangalan at makakuha ng suporta.