fbpx

Robredo Kinampihan ang DOH? Hindi Dapat Bawasan ang DOH Budget, PERO…

MANILA, Philippines – Mukhang nakakuha ng hindi inaasahang kaalyado ang Department of Health sa pagkatao ng opposition leader na si VP Leni Robredo.

Matatandaan na tinagpasan ang budget ng DOH ngayon 2022 kasama na ang risk allowance para sa mga health workers.

“Kapag hindi pandemic maintindihan natin pero dahil pandemic, it doesn’t makes sense,” paliwanag ng Pangalawang Pangulo.

Robredo hits Duterte's 2022 budget priorities: 'So much disconnect'

Ngunit pahabol ni Robredo, kung binawasan man ang DOH budget, dapat may ibang ahensya ang tumulong magimplement ng mga programa laban sa COVID-19.

“Ang sa akin, ang solusyon diyan, hindi bawasan ng budget pero maghanap ng ibang puwedeng makatulong mag-implement kasi kung ang problema masyadong swamped, hindi magamit ang pera, eh di hanapan ng paraan. Kaya may IATF (Inter-Agency Task Force), kasi ito ang convergence ng lahat ng departments,” dagdag ni Robredo.

Makikita na sa lahat ng programa ng gobyerno, ang mga programang sinimulan ng Office of tghe Voce President ang pinaka naging epektibo kahit na limitado ang budget.